YYU - Chapter 30: The Chosen 30

 ***SHERO'S POINT OF VIEW***




Martes kinabukasan mga bandang alas singko ng hapon. Kasama ko sina Tristan, Fildon, Alexis at Travis. Nakatambay at nakaupo kami sa bench sa ilalim ng malaking puno ng mahogani malapit sa forbidden building. Naguusap kaming lima tunkol sa mga nangyari kagabi ng bigla kaming natahimik ng may dumaang lalake sa pathwalk sa aming tabi.



Walang may nagsalita samin, napanganga ako samantalang tikom naman ang bibig ng apat. Ang lalaking dumaan ay isang grey class. Ang tankad niya, gwapo at artistahin ang pustura. Nagtataka ako bakit siya pumasok dito sa Yin-Yang ng ganitong oras? Isang derektang paglabag sa time-rule ng school ang ginawa niya. Hindi ba dapat hinuli na siya ng mga night keepers? Wala man lang may nag-abala kahit isang night keeper para tugisin ito. Mukhang patungo ang lalake sa forbidden building.



"Sino ang lalakeng iyon? Bakit siya pumasok dito?" Nagtatakang tanong ko.



Binalingan ako ni Alexis at nagsalita. "Si Tonique Vanders. Isang senior at former crimson pero isa na siyang grey class ngayon dahil nagtransfer siya, pero member pa rin siya ng night keepers. Isa siyang ramp and print model." Ngumiti si Alexis ng wagas. "He is so gwapo talaga ever. He is my super delicious crush." Sabi nito.



"Last year kabilang siya sa mga nanalo sa night keeper's league of champions' match at naging representative ng school sa quadrangular match, third lang ang team ng school natin pero out of 28 representatives ng apat na school siya ang tinanghal na 2nd best player ng laro." Pagbibigay impormasyon ni Travis.



"Posibli ba yun? Night keeper pa rin siya kahit grey class na siya ngayon?" Nakakunot ang noo kong tanong.



"Oo naman, tulad nga ng palaging sinasabi ni prop Goldfield, in every rules there's always an excemption." Sabi ni Alexis.



"Tao ba siya o hidden?" Tanong ni Fildon.



"Isa siyang hidden, half human half elf." Si Travis ang sumagot.



"Ano ang kapangyarihan niya?" Tanong naman ni Tristan.



"Heaven's Heart ang tawag sa kapangyarihan niya... May kakayahan siyang paamuhin at paibigin ang lahat ng tao o hidden sa kanya. Gamit ang kapangyarihan niya ay mapapasunod ka niya sa lahat ng gusto niyang ipagawa sayo." Sagot ni Alexis.



Talaga? May ganung kapangyarihan? Ang ganda naman ng kapangyarihan na yun. Sana yun na lang ang kapangyarihan ko...



Alam nila ni Alexis at Travis ang tunkol kay Tonique Vanders dahil si Travis ay batchmate niya ito at nakasabayan niya last year nung naging night keeper siya, si Alexis naman ay obssess dito kaya lahat ng impormasyon yata sa lalakeng iyon ay alam niya.



Maya-maya pa ay may babae at lalakeng crimson ang lumapit samin, may dala ang mga ito ng flyers. Binigyan kami ng mga ito ng tig-iisa at pagkatapos ay umalis. Iyon ang mga members ng crimson radar club ng school, ang mga chismusang mga crimson na nagpapakalat ng rumors, balita at kung anu-ano pang news tunkol sa mga nakikita nila sa ibang mga estudyante. Tulad na lang nung kinalat nila ang flyers tungkol sa amin ni Tristan. Hindi ko talaga makakalimutan yun dahil muntik na akong masuntok ng isang crimson dahil dun, pero buti na lang at dumating si Tristan kaya naligtas ako.



Binasa ko ang nakasulat sa flyers. Night keepers league of champions' match. Schedule, on friday blah-blah-blah, 6:00pm-10:00pm. Pinagpatuloy ko ang pagbasa, Night keepers list of participants. Tinignan ko ang pinakadulo, hanggang 30. So 30 pala lahat ang mga night keepers na maglalaban-laban. Pinili lang yata ni prop Goldfield ang mga maglalaban dahil hindi lahat ng night keepers ay may kapangyarihan, yung napili lang yata ay yung mga guardians lang. Napaisip ako bakit parang napaaga yata ang match na ito, akala ko sa mga susunod pang linggo. Well, good luck sa kanila. May the best night keepers win na lang. Tiniklop ko ang flyers.



"Yes nakasali ako! Magsasanay ako ng mabuti, dapat manalo ako dito." Narinig kong sabi ni Fildon, napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito at tuwang-tuwa na nasa listahan ang pangalan niya.



Lihim naman akong nagpasalamat dahil buti na lang at hindi ako nasali.



"Kasali rin ako." Nakangiti ring sabi ni Travis. "Last year hindi ako nasama sa mga nanalo pero ngayon gagalingan ko na talaga."



"Nandito rin ang pangalan ko. OMG, meron na akong chance para makasama sa laban si Tonique." Nakangiti at parang kinikilig na sabi naman ni Alexis.



"Bakit wala ang pangalan ko?" Nakakunot ang noo naman na tanong ni Tristan. Napailing ako dapat nga masaya siya dahil hindi siya mapapasama sa gyera ng mga night keepers pero mukhang gusto talaga yata ng away ni Tristan. Pano ba naman siya mapapasali sa match eh kahapon lang siya nakasali sa night keepers? Baka nga ngayong araw palang siya magiging official member.



"Hay mabuti na lang at hindi ako kasali diyan." Nakangiting sabi ko. Nilingon nila akong apat at magkasalubong ang mga kilay. "Oh bakit? May nasabi ba akong masama?" Tanong ko.



"Hindi mo ba binasa ang mga nakasulat?" Nakangiwing tanong ni Alexis sakin.



"Siyempre binasa ko." Sagot ko.



"Lahat-lahat?" Hirit ni Fildon.



Tumango ako.



"As in lahat-lahat?" Sabi naman ni Travis.



Tumango ulit ako.



"Weeee?" Sabay na bigkas nilang apat.



"Oo nga. binasa ko. Bakit ba?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.



Tinaas ni Tristan ang flyer na hawak at binasa. "Night keepers list of participants, number 17, Shero Tan."



Napanganga ako saglit at mabilis na binasa ang number 17 para kompirmahin kung totoo nga ang binasa ni Tristan. Hindi ko kasi binasa ang mga nakalistang pangalan. Sh%*! Totoo nga. Bakit nandito ang pangalan ko? Nagulat ako. Bakit ako kasali? Bakit ako nasali sa gyera ng mga wild na mga crimson? Lagot na.


Continue Chapter 31