YYU - Chapter 31: Heaven's Heart
Hindi ko talaga iniisip na mapapasali ako sa match na ito dahil pwera sa bago pa lang ako sa night keepers ay nagsisimula pa lang din akong matuto kung pano kontrolin ang kapangyarihan ko. Nakakaasar naman, napasali ako sa gyera ng mga wild na night keepers, eh ang lalakas kaya nila. Ano naman ang panama ko sa kanila eh hindi ko nga magamit-gamit at makontrol ng mabuti ang kapangyarihan ko?
Si Fildon, Alexis at Travis kasama sila sa match. Oo pwede kasi malalakas na sila, alam na nila kung pano gamitin ang kapangyariha nila na hindi nanonosebleed at nawawalan ng malay gaya ko. Bakit kaya ako isinali ni prop Goldfield? Sana hindi niya ako sinali sa match. Pwede kayang magback out? Magquit? Hay mukhang hindi pwede...
"Calling the attention of the chosen participants for the night keepers league of champions' match please proceed at the training room now. I repeat, calling the attention of the chosen participants for the night keepers league of champions' match please proceed at the training room now."
Nagkatinginan kaming lima nina Tristan, Fildon, Alexis at Travis pagkatapos naming marinig ang announcement ni prop Goldfield sa loud speaker ng school.
"Bakit kaya?" Nagtatakang tanong ko.
"Sigurado tunkol ito sa pardon week na ibibigay sa ating mga participants." Tugon ni Travis.
"Pardon week?" Sabi ko.
"Oo, last year kasi nung napasali ako sa match nagkarun kami ng pardon week. Yung pardon week ay para sa mga participants, iyon ay isang linggong immunity na binibigay ng school para sa mga kasali sa match para kahit umabsent kami ay ok lang at hindi kami apektado kung hindi kami makakuha ng quizzes kahit wala kami sa klase. Binibigay ang pardon week para makapagsanay at makapaghanda ng mabuti ang lahat ng mga manlalaro." Mahabang paliwanag ni Travis.
"Ang galing." Sabi ni Fildon.
Ok. So kung ganun, sa mga natitirang araw bago ang match ay libre ako para magsanay? Ayos yun ah. Pero bakit pa ko magsasanay eh alam ko namang wala akong future para manalo. Hay naku, aasa pa ba ako?
"Oh pano tara na." Yaya ni Alexis samin at tumayo, tumayo na rin sina Fildon at Travis mula sa pagkakaupo.
Tumayo na rin ako at binalingan si Tristan, hind ito kumilos dahil hindi naman siya kasali. "Aalis na kami." Sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita at isang tango lang ang tinugon sakin. Tumalikod na ko at napakibit balikat na lang. Mukhang napipikon na naman ito, siguro yun ay dahil hindi siya nakasali sa gyera, i mean sa match. Itong Tristan na to mahilig talaga sa basag ulo. Kung magpalit na lang kaya kami, siya na lang kaya ang sumali instead sakin? Pero parang hindi pwede yun.
***
Tumungo kami nina Fildon, Alexis at Travis sa forbidden building at pumasok sa training room. Pagdating namin ay kukunti pa lang ang mga participants na narun. Merong 30 silya sa loob na hinati sa dalawang side, 15 silya magkabilaan.
Ganito ang setting ng mga upuan...
OOOOO OOOOO
OOOOO OOOOO
OOOOO OOOOO
Umupo kaming apat sa pinakahuling raya sa right side. Si Alexis ang naupo malapit sa aisle, sunod si Travis, tapos si Fildon at ako. Bakante naman ang sa tabi ko dahil apat lang kami.
Isang babae ang lumapit sakin. Nakayuko ito, may kahabaan ang kulay itim niyang buhok, nakasuot siya ng malaking salamin at siguro nasa 5'4 ang heght nito. May pagkanerdy ang kanyang dating pero cute siya, mukhang mahiyain.
"Can i sit here?" Sabi nito na nakatingin sa sahig. Confirmed nga, mahiyain nga siya.
"Sure... Sure, sige walang problema." Tugon ko.
"Thank you." Sabi nito at mabilis na umupo.
Nakatingin ako sa kanya, nakayuko lang ito. Anong meron at bakit parang subra naman yata siyang mahiyain? "Hi, im Shero. And you are?" Sabi ko at inilahad ang aking kamay.
Binalingan niya ako, halatang nahihiya siya. "Im Grandeline Flores. Nice meeting you Shero." Sabi nito at nakipaghandshake sakin.
"Nice meeting you too, Grandeline. Oh by the way these are my friends." Sabi ko at tinuro ang tatlo. "This is Fildon, Travis and that is Alexis. Guys this is Grandeline." Pakilala ko sa kanila.
"Hello!" Sabay na bati ng tatlo.
"Hi." Tugon naman nito.
"Oh i knew you. If im not mistaken you're Grandeline Flores, the plant manipulator or shall i say the florist?" Biglang sabi ni Alexis.
"Yeah it's me." Sabi nito at nahihiyang ngumiti.
"You're also a junior right?" Si Alexis.
"Yeah." Ikling tugon nito.
"Shero, pwede magpalit tayo ng seat?" Baling sakin ni Alexis.
"Sure." Sabi ko at mabilis na tumayo. Mukhang magchichika ang dalawang to. Nagpalit kami ng upuan ni Alexis so ang ending ako na yung nasa tabi ng aisle.
Nakipagkwentuhan ako kina Travis at Fildon samantala abala rin sina Alexis at Grandeline sa pag-uusap. Napansin ko mukhang may something kina Travis at Fildon o guni-guni ko lang ito? Iba kasi makangiti si Travis kapag si Fildon na ang nagkukwento. Mukhang may namumuo? Ako naman at si Tristan ay parang wala naman. Hanggang M.U. lang kami siguro ni Tristan. Eneenjoy lang namin na kasama ang isa't-isa pero hanggang dun na lang siguro yun. Oo gusto ko si Tristan, ang tanong gusto rin ba niya ako? Sinabi niyang espesyal ako sa kanya, ano ang ibig sabihin nun? Special classmate? O special friend dahil magkaibigan na kami ngayon.
Maingay sa loob ng training room, nagsidatingan na rin ang ibang night keepers. Kinakabahan ako habang nililibot ko ang paningin sa kanila. Mukhang ang lalakas nila, hindi lang iyon ang gaganda at ang gagwapo pa nila. Mukha silang mga artista. Grabe hindi ako makapaniwala, pano ako nakasama sa night keepers? Ako yata ang pinakamahina dito. Sana magstart na ang announcement para matapos agad at ng makaalis na ko, parang hindi ko kayang magstay dito kasama sila.
Natahimik ang paligid ng pumasok si Tonique Vanders, ang grey class na night keeper. Lahat yata ng mga mata nasa kanya. Para yatang nastar struck ang lahat ng nasa training room dito. Inikot ko ang aking paningin, mapababae man o lalake nakatingin kay Tonique. Anangyare? Anong meron?
Nakita kong naglakad si Tonique, nakatingin pa rin ang lahat ng mga night keepers sa kanya. Siniko ko si Travis. "Hoy Travis Bakit parang nahihipnotismo kayo sa lalakeng yan?."
Hindi sumagot si Travis. Anong nangyari sa kanila? Napangiwi na lang ako, parang wala namang kakaiba sa lalakeng ito, bakit kung makatitig sila rito ay parang gusto na nila itong sambahin. Tumayo ako, makapunta na nga muna sa rest room.
Naglakad ako ng biglang napahinto. "Hey you!" Narinig ko, boses ng lalake. Lumingon ako at nakita kong nakatingin sakin si Tonique. Siya ba yung nagsalita?
Napakunot ako ng noo at nagkibit balikat. Tumalikod ulit ako at humakbang patungong restroom. Napahinto na naman ako.
"Hey stop!"
Lumingon ako, nakita kong lumakad si Tonique patungo sa direksyon ko. Huminto siya sa harap ko. "Are you talking to me?" Tanong ko.
"Certainly yes!" Pinagcross nito ang mga braso sa harap ng dibdib at tinignan ako ng maigi. "Aren't you attracted with me?" Diretsang tanong nito?
What?! Ang kapal ng lalakeng to porque gwapo siya ganun agad? Excuse me, meron na akong Tristan Armando Razon. Ang kapal ng lalakeng to. "Tsk! Nahiya naman ako. Bakit ako maatract sayo eh lalake ka at lalake din ako?" Sabi ko dito.
Napakunot ang noo nito. "Are you sure you're not attracted with me?"
Tsk! Anong nangyari sa lalakeng ito? Paulit-ulit? "Im sorry but im not." Sabi ko at napansin ko ang lahat ng mga night keepers kahit na sina Travis, Fildon at Alexis at nakatingin lang kay Tonique.
Naalala ko, ang kapangyarihan ng lalakeng ito ay heaven's heart, may kakayahan siyang paamuhin ang kahit na sino gamit ang kapangyarihan niya. Ito ba ang ginawa niya sa buong nigh keepers ngayon? Sh%*! Mukhang ginamitan niya nga ng kapangyarihan ang lahat na nandito sa training room, pero bakit ako hindi?
"What are you? What is your power?" Tanong ni Tonique sakin.
"Anong ginawa mo sa kanila?" Hindi ko siya sinagot bagkos isang tanong ang tinugon ko sa kanya.
"Oh ginawa ko sa kanila?! Well, they are under my charm." Sabi nito at ngumiti at kinindatan ako. "Im wondering, bakit hindi ka natablan ng heaven's heart ko. Anong meron ka?" Sabi nito at niyuko ang mukha sakin.
Umatras ako ng kunti sa kanya. Kung ganun tama nga ako, sa oras na ito gumagana ang kapangyarihan ng Tonique na ito. Nakakatakot naman ang lalakeng to. Sabi kanina ni Alexis may kakayahan daw siyang pasundin ang kahit na sino sa utos niya kapag ginamit niya ang kapangyarihan niya. Ang ipinagtataka ko bakit ako hindi tinatablan ng kapangyarihan niya samantala ang lahat ng night keepers ay napasailalim ng kapangyarihan niya ngayon?
"Alam ko na." Nakangiting sabi nito. "Isa kang elemental user no?"
Pano niya nalaman? Tumango ako.
"Sabi ko na nga ba eh. Kaya pala ayaw gumana ng kapangyarihan ko sayo. Elemental user's are really pain in the ass. Hindi gumagana ang kapangyarihan ko sa kanila, so that means..." Huminto ito sa pagsasalita at lumapit ng bahagya sakin. "So that means i can't make you fall for me, ang cute mo pa naman, sayang." Sabi nito at kinurot ako sa pesngi. Parang nagpapaawa ang mukha nito pero nagpapacute at the same time.
"Aray, masakit!" Sabi ko at hinawakan ko ang aking pesngi.
"Sorry." Nakangiting sabi nito, infairness gwapo siya at may pagkakwela. Akala ko seious type ang lalakeng to, makulet rin pala.
"Can i ask you?" Sabi ko.
"What is it?"
"Bakit hindi gumagana ang kapangyarihan mo sa mga elemental users?"
Nakita ko siyang umismid saka ngumiti. "Eh kasi naglalabas ang mga elemental users ng purifying mana sa katawan na automatic na nagka-counter attack sa nilalabas kong mana. What i mean is, sensetive ang mga mana ng mga elemental users sa mga passive users kagaya sa kapangyarihan ko. Ikaw hindi mo masesense na isa akong passive user pero ang taglay mong mana sa katawan ay nasesense iyon at dahil dun automatic itong maglalabas ng purifying mana sa katawan mo para protektahan ka, para iblock ang kapangyarihan ng passive user dahil hindi ito nakikita ng mga mata." Mahabang paliwanag nito.
Ok. So wow! Ganun pala kaya hindi ako tinatablan dahil walang epekto sakin ang mga passive users kagaya ni Tonique. Pinoprotektahan ako ng mana ko na hindi ko nalalaman. Wow ang galing.
"Anu-ano pa ang ibang mga passive na kapangyarihan?" Tanong ko, ito lang kasing heaven's heart ang alam kong passive.
"Mind reading, Mind control, Sensing, Glimpsing, basta yung kapangyarihan na hindi nalalabas, ang tawag dun passive, at sa gumagamit ay passive or still users." Turo nito sakin. Ang dami namang alam ng lalakeng to.
"Ah ok. Salamat." Sabi ko at ngumiti.
"By the way im Tonique Vanders." Pakilala nito at nilahad ang kamay.
"Im Shero Tan." tugon ko at nakipaghandshake.