YYU - Chapter 32: The Announcement!

 


Sabay kaming napabaling ni Tonique sa pintuan ng silid ng biglang bumukas ito. Pumasok si prop Goldfield at dumiretso sa gitnang harapan. Nilibot nito ang paningin sa mga kasama naming night keepers at pinagcross ang braso sa harap ng dibdib. Nakatitig ito sa direksyon namin, tumaas ang isang kilay nito.



"Not again Tonique! Ilang beses ko ng sinabi sayo na gamitin mo ng maayos iyang kapangyarihan mo. Hindi ka talaga nakikinig ano na naman ang ginawa mo?" Diretsang sumbat ni prop Goldfield kay Tonique.



"What? Wala naman akong ginagawang masama ah. Hindi ko kasalanan kong mahumaling sila sa kagwapuhan at kakisigan ko." Sagot ni Tonique sabay suklay ng kamay sa buhok at ngumiti. Nagpapacute na naman ito.



"Wala? Tignan mo nga ang mga yan! Wala sa mga sarili nila, nakatitig sayo at kulang na lang gumapang papunta sayo. Stop this right now at meron akong announcement." Naiiritang utos ni prop.



"Sure, ok no problem." Tugon ni Tonique at nagpakawala ng malapad na ngiti. Kumilos ito palapit sakin at bahagyang nagsalita ng pabulong. "Isn't she scary? She's my aunt ya know? But that's a secret, nobody knew it, except you."



"What are you whispering there?! Uncharmed them right now!" Pabulyaw na sabi ni prop na parang nauubusan ng pasensya sa ginawa ni Tonique. Okay ngayon alam ko na, so magtita pala silang dalawa kaya ganito sila umasta.



Umusog ako palayo kay Tonique baka kasi madamay ako sa galit ni prop.



"Okay relax. I didnt mean no harm to them at isa pa..." Si Tonique.



"Shut up! Just do what i say. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko."



Napabuntong hininga ako, bakit ganito makareact si prop Goldfield sa ginawa ni Tonique? Ok makalayo na muna bago ako matalsikan ng dugo. Tahimik akong tumalikod para pumunta ng rest room.



"Shero where the hell are you going? Sit down to your chair." Bulyaw ni prop.



Humarap ako, pati tuloy ako nadamay. "Im going to..." naputol na sasabihin ko.



"Sit down!" Matigas na utos ni prop, parang hindi maipinta ang kanyang mukha. Parang uusok na ata ang ilong at tenga ni prop dahil sa ginawa ni Tonique at pati ako nadamay. Hay naku!



"Yes po, uupo na po." Sabi ko at lumapit sa inuupoan ko kanina pero hinila ni Tonique ang kamay ko.



"You'll gonna sit beside me coz starting today you'll be my best buddy, i mean my  best friend." Sabi ni Tonique sabay akbay sakin.



"Pero..." Sabi ko.



"No buts." Sabi ni Tonique sakin at binalingan ang mga kasama naming mga night keepers. "Ok people you're free now." Malakas na sabi nito.



At sa isang iglap lang pagkatapos magsalita ni Tonique ay umingay ang paligid, parang nakawala sa malalim na hipnotismo ang mga night keepers. Hindi yata alam ng mga ito na nahulog sila sa kapangyarihan ni Tonique. Napabaling naman ang paningin ko kay Alexis ng mga sandaling iyon, nakapamewang ito at matalim ang titig sakin. Ano kaya ang iniisip ng babaeng to at ganito siya makatingi sakin? Oh oh mukhang nagseselos?



Tinanggal ko ang pagkakaakbay ni Tonique sakin at dumistansiya dito sabay ngiti. "Ah nakikipagkaibigan siya." Sabi ko, nakatingin na rin sakin sina Fildon, Travis at Grandeline.



"Silence!" Napabaling ang mga paningin namin sa harap ng biglang sumigaw si prop Goldfield. Mukhang napakahot tempered niya ngayon. bakit kaya?, Nakakatakot siya. Para siyang dragon na bubuga ng apoy. Tumahimik ang silid.



"Sit down everybody!" Malakas na bigkas ni prop. Mabilis na nagsiupuan ang mga night keepers.



Tumalima naman ako paupo sa tabi ni Travis dun sa dati kong pwesto. Nakita ko naman si Tonique umupo sa kabilang side, sa tabi ng aisle na kahanay ng silya namin sa likuran.



"She's acting weird now." Pabulong na sabi ni Travis sakin, tinutukoy nito ay si prop Goldfield.



"Bakit kaya?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang si Travis.



"Listen night keepers. Last night i recieved a letter from Hidden's Department of Education and it stated there that quadrangular match will be held next week." Simula ni prop.



Nagsimulang umingay ang silid, nagbubulungan ang ibang mga night keepers. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero mukhang hindi maganda ang sinabi ni prop ayun sa reaksyon ng mga kasama ko.



"Next week? Pero august pa lang po ngayon, nakaset po ang quadrangular last week ng september." Sabat ng isang babaeng night keeper sa unahang raya.



"So kaya po mapapaaga ang night keeper's match dahil dun?" Tanong naman ng lalake sa unahan ko.



"Ano po ba ang nangyari bakit bigla-bigla yata?" Hirit naman ng isang lalake na nasa ikalawang raya.



"Kung ganun po wala ng pagsasanay after ng night keeper's match? Yung mga mananalo ay agad ng isasabak sa quadrangular ng wala ng pagsasanay?" Tanong ng babae na nasa kaliwang side sa pangatlong raya.



"Silence!" Awat ni prop. "Makinig kayo. Our school is just following orders, kung ano ang ibibigay na instructions ng nakakataas sundin na lang natin kasi wala naman tayong magagawa. The date for quadrangular match has been moved earlier, and it will be next week. That is why we will going to have our night keeper's match on friday para malaman na natin kung sinu-sino ang ating magiging representatives. For this year, there will be 9 representives needed for the Q'match,  7 players and 2 reserve players. Ibig sabihin magkakaroon tayo ngayon ng 9 champions para sa night keeper's match." Paliwanag ni prop.



"Who will be the host for the Q'match?" Kampanteng tanong ni Tonique.



"Haven University wil be the host." Sagot ni prop.



"The school of witches and warlocks, last year kulelat sila. 4th placer." Sabi ni Tonique.



"Don't underestimate them mr. Tonique Vanders. Huwag mong ipagmayabang na naging 3rd placer kayo." si prop.



"Ok fine, ako pa rin ang 2nd best player." Sagot ni Tonique.



"For goodness sake, ipinagyayabang mo ang 2nd best player mo? Magmayabang ka kung ikaw ang first. You and the other representatives last year were very confident that you'd take home the bacon, but what happened? God, your team was a disappointment. So next time bago kayo sumatsat at magdaldal patunayan niyo muna." Angil ni prop.



"What? Im not the one who bragged. I didnt even say na mananalo ang team namin." Depensa ni Tonique.



"Whatever!" Putol ni prop Goldfield. "Other questions?"



"Prop, ilang days maglalast ang Q'match? At saan?" Tanong ni Alexis.



"6 days to be exact. Monday to friday Q'match, saturday awarding ceremony and player's ball. At tunkol sa lugar kung san iheheld ang laro wala pang sinasabi. It'll be a surprise." Ani prop. 



"Prop how about our pardon week?" Si Travis.



"Your pardon week is effective today. So please use your time wisely." Sagot ni prop at binalingan ako. Bakit kaya siya nakatingin sakin? "May katanungan pa?"



Walang may sumagot. Lahat nakatutok lang kay prop sa harapan. Kaya pala mukhang mainit ang ulo ni prop kasi next week na ang quadrangular match. Malamang ang ibang school meron ng mga representatives at nakakapagpractice na sa laban pero kami wala pa.



"Since wala ng may katanungan i want you to group yourselves into 3." Sabi ni prop.



Binalingan ko sina Travis. "Travis team tayo." Sabi ko.



"Sorry Shero, pero magkateam na kami." Sabi ni Travis sakin. Nakatingin silang tatlo sakin, si Travis, Fildon at Alexis. Itinaas nila ang kanilang mga kamay na magkahawak sa isa't-isa. Wow ha! Ang bilis naman nila, nakaplano na yata sila ng alliance bago pa magsimulang magsalita si prop. Kaasar naman, sino na ngayon makakasama ko sa team?



"Ok." Sabi ko na lang at nilingon si Tonique. Nakatayo na pala ito sa tabi ko. Nakatunghay ito sakin at parang hinihintay ako. Tumayo ako at hinila siya sa isang tabi.



"We're best buddy right?" Sabi ko kay Tonique. Nakita ko siyang tumango. Nice. "So team tayo?" Wika ko, pakapalan na lang ng mukha. Mukha kasing walang pipili sakin para maging grupo nila. Kapag sinwerte ako at pumayag si Tonique edi maganda, malakas kaya ang kapangyarihan niya.



Inakbayan ako ni Tonique. "Why would i team up with you?" Tanong niya.



"Because we're best buddy, i mean best friend?" Sabi ko sabay ngiti at pacute. "So?"



"Because you're cute... Ok, sure." Pagpayag nito.



"Oh nice!" Sabi ko at nakita ko si Grandeline na papalapit samin.



"Kelangan niyo ng isa pang member? Kasi..." Sabi ni Grandeline na nakayuko.



"Yeah. You're in." Biglang sabi ko. "Welcome to Shero's friendly group." Sabi ko.



"A florist in our team, wow great!" Komento ni Tonique. Ang galing niya, alam niya ang kapangyarihan ni Grandeline.



Ilang sandali pa ay tumahimik na ang lahat at tumingin sa harapan ng muling magsalita si prop Goldfield. "Sa tingin ko, meron ng grupo ang bawat isa. That would be your permanent team for the night keeper's match. You are now divided into 10 teams, you'll fight each other for the title of becoming the next night keeper's league of champions. Remember, out of ten teams ay tatlong team lang ang mananalo. Bilang team kailangan niyong tulungan ang bawat isa para mapanalo niyo ang match, dahil ang kabiguan ng isa ay kabiguan ng lahat." litanya ni prop.



Nagsimulang umingay at nagbulong-bulongan sa loob ng silid pero natahimik kami ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pintuan. Nabaling ang paningin namin dito...



Bumukas ang pinto at pumasok si Mr.Gumban kasama ang tatlong crimson. Tumayo sila sa harapan katabi ni prop Goldfield.



"What is this?" Nagtatakang tanong ni prop Goldfield.



"I'm sorry to interrupt you professor." Paghingi ng paumanhin ni Mr.Gumban kay prop Goldfield at binalingan kami nito. "Night keepers, gusto kong sabihin sa inyo na itong mga kasama ko ay ang bagong team na makakasama at makakalaban niyo sa night keeper's match." Sabi ni Mr.Gumban at ngumiti...


Continue Chapter 33