YYU - Chapter 33: Same Old Tristan

 


Pagkatapos ng announcement ay nagkanya-kanya na ang bawat grupo. Sabay naman kaming lumabas nina Tonique at Grandeline sa forbidden building. Nagpalitan na lang kaming tatlo ng cel number at napagpasyahan naming magsanay na lang na magkakahiwalay.

Lumabas ako ng Yin-Yang na walang kasama, mag-aalas siyete pa lang ng gabi. Tahimik akong naglakad sa side walk patungo sa star tower kung saan ako umuuwi. Isa si Tristan sa tatlong crimson na pumasok kasama ni Mr.Gumban kanina, at yung dalawa lalakeng crimson naman ay hindi ko kilala. Hindi rin sila kilala nina Tonique at Grandeline.

Natatandaan ko yung isang lalakeng crimson, siya iyong lalakeng nakasama kong sumilong sa waiting shed nung umuulan isang linggo na ang nakalipas. Siya iyong lalake na may kapangyarihang gumawa ng ilusyon. Ngayon ko lang siya nakita sa loob ng Yin-Yang pati na yung isa pang lalake. Mukhang malalakas sila.

Napahinto ako sa paglakad ng may tumawag sakin.

'Shero!" Napalingon ako. Si Tristan, tumatakbo papalapit sakin.

"Tristan?" Sambit ko. Kanina nakita ko siyang kasama ang dalawang kateam niya sa loob ng Yin-Yang tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin. "May kailangan ka?" Tanong ko.

Inakbayan ako ni Tristan. "Uuwi ka na?" Tanong nito. Nagpatuloy kami sa paglakad.

"Oo." Ikling sagot ko. 

Katahimikan... Walang may nagsalita at tanging ingay ng mga nagdaraang mga sasakyan ang maririnig.

"Bakit ang tahimik mo ngayon? Nakakapanibago ka." Puna nito. Malamang, engot talaga tong lalakeng to. Nakalimutan niya na ang pangdedeadma niya sakin kanina. Tinawag ko kaya siya pero hindi ako pinansin.

Hindi ako sumagot. Bahala siyang hulaan ang iniisip ko.

"Oy Shero magsalita ka nga, para kang pipi. Anong problema mo?" Sabi nito at lalong dinikit ang balikat ko sa kanya.

"Wala." Sabi ko na lang at nagtanong. "Pano ka pala nakasali eh kagabi ka lang nakapasok sa night keepers?"

"Wala ka bang belib sakin? Nakalimutan mo na ba kung sino ako? Ako yata si Tristan Armando Razon." Sagot nito, hay naku humangin na naman kahit kailang talaga lumalabas ang pagkamayabang nito buti na lang pogi siya at mabango.

"Sino yung mga kasama mo?" Pasimpling tanong ko. Iimbistigahan ko muna ang mga kasama niya para sa match.

"Ah sina Lilyu saka Maru. Parehong sophomore, si Lilyu transferee yun." Sagot ni Tristan.

"Ano ang mga kapangyarihan nila?"

"Si Lilyu isa siyang illusionist, si Maru naman ay wall walker." Sagot ni Tristan, hindi niya alam nangangalap na ako ng impormasyon para magamit sa match. 

Kung ganun tama ako, ang Lilyung yun ay may kapangyarihang gumawa ng ilusyon. "Ano yung wall walker Tristan?" Tanong ko, alam ni Tristan to dahil kateam niya si Maru na sinasabi niyang isang wall walker.

"Iyon ang kakayahang tumagos sa mga solid objects."

Ok ganun pala ang mga kapangyarihan ng mga kasama ni Tristan sa team. Kung ganun hindi pala sila mukhang malakas kundi totoong malalakas. Si Tristan malakas din ang kapangyarihan niya pero duda akong magagamit niya ng maayos ang kapangyarihan niya dahil wala pa siyang pagsasanay.

Sakin ok na sana ang matalo ako sa match kaso team ang labanan kaya hindi pwedeng ako ang maging dahilan para matalo kami. Si Tonique nanalo last year sa night keeper's match at nakalaban sa quadrangular match at naging 2nd best player kaya hindi ko siya pwedeng ipahiya ako pa naman ang nagyaya sa kanya na makipagteam sakin. Si Grandeline naman kahit tahimik at mahiyain pero nararamdaman kong malakas siya. Kapag nagsanay ako, siguradong kahit papano makakasabay ako sa kanila. Ayaw kong maging negative kaya iisipin kong may chance kami sa match.

Si Uno, ang x bf ni Alexis, mukhang malakas din ang team niya, pati na rin ang team nina Fildon. Well, good luck na lang saming lahat kung sino ang mga mananalo.

"Saan mo gusto magdinner?" Napabaling ang pansin ko kay Tristan ng magtanong ito.

"Ha? Ano kasi... Plano kong pumunta sa subic para dun magtraining." Sagot ko, napahinto kami sa paglakad ni Tristan. Tinitigan niya ako.

"Don't tell me babalik ka dun sa resort kung san tayo pumunta?" Tanong ni Tristan at magkasalubong ang mga kilay nito.

"Ahmm.. Oo."

"No, you're not going there anymore." Sabi nito na ma-otoridad ang boses.

Napakunot ako ng noo. Bakit niya ako pipigilan? Eh yun lang ang alam kong resort kung saan malaya akong makapagpalit bilang sereno ng walang may makakakita sakin dahil tago at dulo na ang resort na iyon.  "At bakit hindi?" Sabi ko.

"Eh kasi nandun ang lalakeng humalik sayo. Pumunta ka sa ibang resort wag lang dun." Sagot nito at humakbang, iniwan ako.

Hinabol ko siya at pinigilan sa paglakad. "Pupunta ako dun dahil yun lang ang lugar na ligtas ako para magpalit anyo, at yun lang ang lugar na tago kaya makakapagsanay ako."

Binalingan ako ni Tristan. "Kapag pumunta ka dun, isipin mo na lang na hindi na tayo magkakilala."

"Ano bang probema mo? Hindi ako sasaktan ng serenong si Kenver, at isa pa kaya kong ipagtanggol ang sarili ko." Sabi ko, nagsimula na akong mainis.

"Basta sundin mo na lang ang utos ko." Tugon nito.

Ah sundin ang utos niya? Iniisip pa rin pala ng engot na to na ako ako ang slave niya at siya ang master ko. Pwes bahala siya. "Ayaw mo akong payagan dahil gusto mo lang? Wala ka namang dahilan? Pupunta ako dun." Sabi ko at nagpatiunang lumakad. Nakakainis, kung makautos siya para akong katulong niya. Dati sumama siya, eh di sumama siya ngayon pero mukhang malabo yun.

"Do what you want, bahala ka." Malakas na sabi ni Tristan.

Hindi ako tumugon at nagpatuloy sa paglakad. Ok fine! Bahala na nga siya, sa ngayon kailangan kong magsanay hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa mga kasama ko. Ang Tristan na to napakainconsiderate, kahit kailan wala na yatang chance magbago, bossy at dominante pa rin. Engot ka, diyan ka na baliw.

***

Pagdating sa condo ay mabilis na akong nagbihis at nagimpake ng mga gamit ko. Maaga pa naman kaya kahit magbyahe ako ngayon papuntang subic ay ayos lang. Ilang minuto lang ay natapos na ako sa pagiimpake at tumungo na sa bus terminal.

Hindi sa lahat ng oras susundin ko ang baliw na Tristan na yun. Ganun pa rin ang ugali niya, same old Tristan, baliw at engot pa rin. Sa ngayon kelangan ko lang magfocus, at hindi sa ibang bagay kundi sa training lang. Masmabuti na tong nangyari ngayon para sa night keeper's match walang kai-kaibigan.

Dumating ako sa private resort mga bandang alas onse y media ng gabi. Agad na akong nagcheck-in.

Pagdating sa kwarto ay inayos ko na ang aking mga gamit at pagkatapos ay pagod na tumihaya sa ibabaw ng kama. Napagod ako sa byahe at gusto ko ng pumikit ng biglang makarinig ako ng katok sa pintuan.

Tumayo ako at lumapit sa pinto at binuksan iyon. Nabigla ako ng makilala ko kung sino ang napagbuksan ko.

"Anong kelangan mo?" Nagtatakang tanong ko. Kaharap ko si Kenver, ang serenong anak ng may-ari ng resort.


Continue Chapter 34