YYU - Chapter 34: Kenver

 


"Anong kelangan mo?" Nagtatakang tanong ko. Kaharap ko si Kenver, ang serenong anak ng may-ari ng resort.



"Gusto ko lang echeck kung totoo nga ang sinabi ng staff na narito ka." Sabi nito at sandaling huminto sa pagsasalita. "About what happened last sunday, sorry nga pala... Hindi ko sinasadya." Paghingi nito ng paumanhin.



Nakita ko sa kanyang mga mata na mukhang sincere naman siya at hindi ko rin naman nakakalimutan ang kabaitang ginawa niya nung sinuli niya sakin ang itim na perlas ko kaya masmabuti kung tanggapin ko na lang ang sorry niya. "Kalimutan mo na yun." Sabi ko.



"Talaga?" Nakangiting sabi ni Kenver. Tumango ako bilang tugon. Lalong lumawak ang ngiti nito. "Treat kita ng dinner dahil inaccept mo ang apology ko." Sabi nito at hinila ako sa kamay. Agad-agad?



"Wait, nakakahiya." Sabi ko na lang dahil wala akong planong sumama at ayaw ko naman siyang mainsulto na tanggihan ang kanyang alok.



"No, wag kang mahiya. I insist." Nakangiting sabi nito.



Napabuntong hininga ako. Ok, wala na akong magagawa. Dapat pala hindi ko na lang siya pinatawad. Napasama tuloy ako sa kanya para kumain.



Tumungo kami ni Kenver sa baba ng hotel, sa hotelier restaurant, sarado na kasi sa native restaurant dahil anong oras na. Nag-order kami at ilang sandali lang ay senerve na sa aming mesa ang mga pagkain.



Hindi ko enexpect na makakasama ko ang lalakeng to sa pagkain after ng ginawa niya sakin. Naalala ko tuloy bigla si Tristan, sana siya na lang kasama ko ngayon. Hay, kainis rin kasi ang lalakeng iyon. Dapat instead na pagbawalan niya kong pumunta dito nagsuggest na lang siya ng ibang resort at sumama. Nakakainis ka Tristan, mahilig ka mag-utos, hindi ka naman concern sakin. Napaka self centered mong lalake ka!



"Malalim yata ang iniisip mo?" Puna ni Kenver, nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain.



Tinitigan ko siya. "Ah... Iniisip ko lang yung match sa school namin. Sa friday na kasi pero kulang pa ko sa training." Pag-oopen ko dito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nito kung ano ako. At alam rin nito ang tunkol sa quadrangular match.



"So wala pang representative ang Yin-Yang?" Tanong nito.



Natigilan ako. Pano niya nalamang sa Yin-Yang ako nag-aaral? "Pano mo nalaman kung san ako nag-aaral?" Pagtataka ko. 



"Huwag kang magalit ah, sinabi ng receptionist sakin. Alam mo na... sa I.D. mo." Sabi nito at napakagat ng labi.



"Ah ok." Sabi ko na lang. "Kenver san ka nag-aaral? Bakit nandito ka ngayon, wala ba kayong pasok?" maimbistigahan nga rin ang isang to.



"Sa Fortis University ako nag-aaral, sophomore na ko. Pardon week naming mga representative ngayon kaya nandito ako sa resort." Sagot nito.



Tumango-tango ako. Inabot ko ang baso ng tubig at uminom. Binaba ko ang baso at binalingan si Kenver. "Pardon week rin namin ngayon. Last year ba nakasali ka sa quadrangular match?" Tanong ko.



Ngumiti ito. "Yep." Ikling sagot niya.



"Sino ang nagchampion?"



"Ang school namin. Actually eighteen years nang sunod-sunod ang pagiging champion ng school namin sa quadrangular match." Napanganga ako sa sinabi ni Kenver.



Kung ganun hindi pala basta-bastang kalaban ang Fortis University. Anong kinakain ng mga estudyante ng Fortis, baga? Apoy? Magma? Grabe naman yun, 18 years na silang champion.



"Wow!" Tanging nasabi ko na lang. Nakita kong ngumiti si Kenver. "Bakit?" Sabi ko.



Nakita kong umiling siya pero nakangiti pa rin. "Wala."



"Sabihin mo na kasi. Ano yun? Bakit ka napapangiti diyan." pamimilit ko.



"Honestly kasi hindi ko naisip na makakasama kitang kumain after ng ginawa ko sayo. Tama nga ako sa iniisip ko sayo noon, mabait ka nga... at.... cute." Sabi ni Kenver at ngumiti.



Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya, masmaganda sana kung si Tristan ang nagsabi nun baka kiligin pa ko. Kaso hindi ko yata maririnig ang linyang iyon sa dominante, baliw at war freak na si Tristan.



"Shero tumingin ka nga sakin, bakit ka nakayuko diyan?" Sabi ni Kenver.



Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa kanya. "Wala, baka kasi namumula ang mukha ko at makita mo. Hindi ako sanay sa papuri." Wika ko.



"Maslalo kang nagiging cute kapag nagbablush ka. Just like now." Tudyo pa ni Kenver.



Napailing na lang ako. "Same with you, cute ka rin." Sabi ko para hindi niya na ako bulahin.



"Oh really? am i cute? Oh thanks." Tugon ni Kenver, alam nito kung pano sumakay sa biro. "By the way bakit hindi mo kasama ang boy friend mo?" Tanong nito.



Napakunot ako ng noo. "Boy friend?" Sabi ko.



Sandali nag-isip si Kenver. "Yep, yung kasama mo last time.. Tristan ba ang name nun...?"



"No, no... Hindi ko siya boy friend. And please... cut it off. Im not... into him. We're just friends." Sabi ko, Sige ako na ang nagsisinungaling. Ako na ang nasa denial stage. Kasi naman nakakainis ang Tristan Armando na yun. Totoo namang hindi kami magbf, ako lang ang may gusto sa kanya.



Kumunot ang noo ni Kenver. Hindi ito nagsalita at tinitigan lang ako, parang binabasa nito ang iniisip ko. "Talaga?" Sabi nito. Tumango lang ako.

***

Pagkatapos magdinner ay naglakad kami ni Kenver sa dalampasigan. Naaninag namin ang paligid dahil sa mga ilaw sa resort. Nag-usap kami ng kung anu-ano. Iba talaga kapag kapwa mo sereno ang kasama mo kasi magaan agad ang loob mo, katulad na lang dati kay Fildon.



Napag-usapan namin ni Kenver ang tunkol sa mga kapangyarihan namin. Laking tuwa ko ng may sinabi siya sakin...



"If you want, tutulungan kita sa training mo?" Propose nito.



Napahinto kami sa paglakad, napatingin ako sa kanya. "Sigurado ka?" Pangungumpirma ko.



"Oo naman." Sabi nito at ngumiti.



Ngumiti ako ng wagas. "Wow! Salamat!" Sabi ko at yumapos sa kanya. Sa wakas may makakasama na ako sa training, hindi sayang ang pagpunta ko dito sa resort.



Sandali, anong ginagawa ko? Bakit ko siya niyakap? Mabilis kong nilayo ang sarili ko sa kanya. Masyado akong nadala. "Sorry..." Nasabi ko. Ok awkward moment.



"No problem..." Sabi nito.


Continue Chapter 35