YYU - Chapter 35: My Little Secret

 


Kinabukasan ay miyerkules. Maaga akong nagising at nagjogging sa tabi ng dagat. Kelangan kong palakasin kahit kunti ang stamina ko. Naka sampong takbo ako pabalik balik. Pagkatapos magjogging ay hinihingal akong umupo sa wood bench na nasa ilalim ng beach palm tree. Tahimik kong pinanood ang asul na dagat. Tantiya ko mag aalas siete y media pa lang. Bumunot ako ng mahabang hininga. Inhale. Exhale.



Napapikit ako ng umihip ang malamig na hangin. Dinama ang malamig na dampi nito sa aking balat.



"Good morning Shero." 



Napadilat ako at nakita ko sa aking harapan si Kenver na nakangiti.



"Good morning din." Tugon ko at ngumiti na rin.



"Pwede maupo?" Tanong nito.



"Sige lang." Sabi ko. 



Umupo sa tabi ko si Kenver. Binalingan niya ko. "Nakita kitang nagjogging, mukhang nagreready ka na for the training later. Ang aga mong nagwarm up." Sabi nito.



Tipid akong ngumiti. "Oo, kelangan eh." Sagot ko.



"I bet di ka pa nagbebreakfast, tara kain muna tayo." Anyaya nito at tinignan ang celphone. "Thirty minutes before eight. Pagkatapos magbreakfast sasamahan na kita at ecocouch sa training mo." Sabi nito na nakatingin sakin.



"Sige." Pagpayag ko. 

***

Pagkatapos mag-almusal ay tumungo kami ni Kenver sa dulo ng resort sa paborito kong spot. Dun sa likod ng mga malalaking bato kung saan hindi na abot ng mga guest ng resort. Nagpahinga muna kami ni Kenver sa tuktok ng malalaking bato dahil kakakain lang namin.



Ilang sandali pa at bumaba na kami sa malapad na bato. Nagbigay sakin si Kenver ng mga tips sa paggamit at pagcontrol ng mana sa aking katawan. Marami siyang tinuro pero verbal lang, hindi kasi kami magkatulad na elemental user.



Sinimulan ko na ang pagsasanay, ginamit ko ang mga tinuro ni Mr.Gumban at ang mga tips ni Kenver. Aminado akong hindi pa rin ako magaling sa pagkontrol ng aking mana pero kunting tiyaga at focus lang pasasaan ba at matututo rin ako.



Hindi naman napagod si Kenver sakin kahit papalpak-palpak ako. Pinupush niya ako at biboost para maging positive ako sa aking ginagawa. Naririnig ko siyang nagchecheer sakin kaya maslalo kong pinagbubutihan.



Mga bandang alas onse y media ay huminto muna ako sa pagtetraining at bumalik muna kami sa hotel para magpahinga at kumain ng lunch. Bandang alas tres ng hapon ay bumalik kami ulit dun para muli akong magtraining.



Kahit papano merong improvement sakin, alam ko yun at nakita iyon ni Kenver. Hindi lang pagkontrol sa tubig ang ginawa ko, pinilit ako ni Kenver na gamitin sa kanya ang bood manipulation. At ginawa ko nga ang gusto niya. Nararamdaman kong nagagawa ko na ng tama ang paggamit ko sa aking mana sa katawan, kunti na lang... Malapit na akong maging malakas.



Sumunod na araw ay huwebes ganun pa rin ang set up. Maaga kaming tumungo ni Kenver sa dulo ng resort at instead na magjogging ay nagpalit anyo kaming dalawa para maging sereno at lumangoy at naghabulan sa dagat na parang mga bata. Nang mapagod at magsawa sa paglangoy ay sumampa kami sa malapad na bato na magkatabi.



Naglalaro ang aming mga buntot sa tubig. Kulay silver green ang butot ko samantala kulay light silver blue naman ang buntot ni Kenver. Para kaming mga bata, hinahampas ng dulo ng buntot namin ang tubig ng malakas at dahil dun tumatalsik ang tubig sa amin. Sabay kaming magtatawanan.



Maya-maya ay...



"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Kenver. Dinampian ng kamay nito ang buntot ko.



Tinitigan niya ko. "Gusto ko lang mahawakan ang kaliskis mo." Sabi nito at tinuwid ang mata sa dagat. "Alam mo ba Shero matagal na kitang nakikita dito. Noon pa kita gustong makilala pero nag-alangan ako." Sabi nito at matipid na ngumiti, nakatutok ang kanyang paningin sa malawak na dagat sa aming harapan.



Nung high school ako ay paminsan-minsan sa isang taong ay pumupunta kami ng pamilya ko dito sa resort kaya nalaman ko ang mabato at tagong lugar na ito. At simula nung nag-aral ako sa Yin-Yang ay pumupunta na ako dito tuwing sabado. Mahigit 2 months na ako sa Yin-Yang, ibig sabihin ganun niya na ako katagal na nakikita dito?



"Kung noon kapa sana lumapit sakin edi sana matagal na tayong naging magkaibigan." Sabi ko.



"Yun na nga eh, sana noon pa kita nilapitan. Kaso nakakaintimidate ka." Sabi nito at nilingon ako.



Tinitigan ko siya. "Nakakaintimidate? Papano naman?" Tanong ko.



"Dahil isa kang maharlika... Isa kang prinsipe..." Sabi nito at binalik ang mga mata sa dagat.



Napalunok ako at hindi nagsalita. Totoo ang sinabi niya, isa akong prinsipe... Sandaling katahimikan. Maririnig ang hampas ng alon sa dagat.



"Pero magkaibigan na tayo ngayon..." Mahinang sabi ko. "Sana kung anong nalaman mo sakin, sating dalawa na lang ito."



Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking pisnge, nagkatitigan kami. "Asahan mo, walang may makakaalam." Sabi nito.


Continue Chapter 36