YYU - Chapter 36: The Wait is Over

 


Buong araw akong nagsanay sa tulong ni Kenver. Puspusan at hindi basta-bastang training lang ang ginawa ko ngayon. Water and blood manipulation ang pinaghandaan ko para sa night keeper's match para bukas. Alam kong todo handa rin ang iba, may the best team win na lang.

Hapon na at nagsimula na akong magligpit ng aking mga gamit para bumalik ng Maynila. Biyernes na kasi bukas kaya kailangan ko ng makauwi para tuloy-tuloy ang pahinga ko. Pagkatapos magligpit ay nagshower na ako at nagbihis. Inayos ko ang aking sarili at ng matapos ako ay binitbit ko na aking bag palabas ng kwarto at tumungo sa lobby ng hotel para magcheck out.

Matapos maclear ang bill ko ay lumabas na ako sa hotel. Nakapagpasalamat at nakapagpaalam na ako kanina kay Kenver na uuwi ngayon, sinabi niya sakin good luck at sana daw magkita kami sa quadrangular match. Sinabi ko na lang sa kanya na gagalingan ko sa laban. Sana nga manalo kami.

Palingon-lingon ako habang naglalakad patungo sa gate ng resort, hinahanap ko si Kenver para makapagpaalam ulit. Wala siya, baka nasa dalampasigan siguro.

"Shero hintay!" Boses ni Kenver.

Huminto ako at lumingon sa aking likuran. Nakita ko Kenver, naglalakad  ito patungo sakin. May kasama itong dalawang babae at tatlong lalake.

"Buti naabutan kita." Sabi ni Kenver.

"Ahmm bakit?" Nagtatakang tanong ko. Napansin kong parang kakaiba ang dating ng mga kasama ni Kenver. Ang mga titig nila, ang galaw. Parang kakaiba sila. Kung tama ako, mga guardian din sila.

"Ipapakilala sana kita sa mga kateam ko para kapag nakasama ka sa quadrangular match kilala mo na sila. kakarating lang din nila ngayon." Sagot ni Kenver. Tumango ako. Kung ganun tama ako, mga guardian nga sila pero hindi ko matakoy kung sino ang tao at kung sino ang hidden sa kanila.

"Sige." Sabi ko.

Binalingan ni Kenver ang mga kasama at ipinakilala sakin. "Shero ito nga pala si Xenon, si Reevien, si Raldivar, si Kazeni at Phobie. Mga kaibigan at kateam ko sila, guys ito naman si Shero." Sabi ni Kenver.

"Hi." Sabi ko. Tumugon naman sila at nakipaghandshake sakin. 

Hindi ko alam pero nung makipaghandshake ako sa kanila ay naramdaman ko ang malakas na mana na dumadaloy sa kanilang mga katawan. Mukhang malalakas ang mga kapangyarihan na taglay nila. Parang nakaramdam ako ng kilabot, mukhang mahirap silang kalaban. Iba ang dating nila, kaya siguro palaging nananalo ang Fortis University dahil malalakas ang kanilang mga representatives.

"Nice meeting you all." Sabi ko. "Sorry pero kelangan ko ng magpaalam sa inyo, babalik na ako ng Manila ngayon eh." paalam ko sa kanila. Parang nanliliit ako sa kanila hindi ko alam kung bakit.

"Sige ingat ka Shero." Sabi ni Kenver na nakangiti. "See you soon."

Ngumiti ako. "Salamat." Sabi ko.

"Panalunin mo ang match nyu para makasama ka sa quadrangular. Mukhang malakas ka, gusto kitang makalaban sa battle field." Komento ni Xenon, ang pinakamatankad sa kanilang lahat. Seryuso ang mukha nito at parang hindi marunong ngumiti.

"Sige gagalingan ko." Sabi ko. "Pano Kenver aalis na ko." 

Tumalikod na ako at lumabas ng gate. Ang mga taga Fortis, nakaharap ko na sila at mukhang gagawin nila ang lahat para lang manalo sa Q'match. Ang lalakas ng dating nila, nakakatakot. Anim pa lang silang nakilala ko meron pang tatlo, sigurado malalakas rin ang mga iyon. Mukhang nandito sila sa resort para magsanay rin.

***

Gabi na ng makauwi ako sa condo. Pagod na binagsak ko ang aking katawan sa malambot kong kama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga tagafortis. Hindi ko pa nakikita ang mga kapangyarihan nila pero sa tingin ko malalakas talaga sila. Idagdag pa si Kenver na kayang manipulahin ang kahit sinong gusto niya.

Bigla kong naisip papano pala nalaman ni Kenver ang sekreto ko? Anong meron sa lalakeng iyon bakit parang ang dami niyang alam sakin?

Isang buntong hininga. Inabot ko ang aking celphone sa sidetable at binuksan. Iniwan ko kasi ito para walang isturbo. May dalawang mensahe, galing kay Tonique at Grandeline. Kahapon pa ang date ng text, nagbibilin sila na magsanay daw akong mabuti para maganda ang maibigay kong laban sa match. Huwag kayong mag-alala nagsanay akong mabuti, hindi ko maipapangako na mananalo tayo pero gagalingan ko sa laban. Bulong ko sa aking sarili.

Gumulong ako sa kama at dumapa. Nakaramdam ako ng lunkot. Haist! Wala man lang akong natanggap na text galing sa baliw na si Tristan. Kaya niya talaga akong tiisin. Namimiss ko na siya. Seryuso ba siya sa sinabi niyang magkalimutan na kami kapag pumunta ako sa resort? Ay di ko yata kaya yun.

Ayuko naman siyang etext, palagi na lang kasing akong nagpapakumbaba sa kanya. Sabi niya espesyal at mahalaga ako sa kanya kung totoo yun hindi niya ko titiisin. Hay naku, ano ba ang eneexpect ko sa baliw na yun? Tignan ko na lang bukas kung seseryusuhin ni Tristan ang sinabi niya, kung tutuhanin niya yun, edi sige babye. Anong magagawa ko kung yun ang gusto niya. Tulad nga ng sinasabi ko, ayukong ipagsisikan ang sarili ko sa taong ayaw sakin.

***



KINABUKASAN AY BIYERNES...

Araw ng night keeper's match, ang araw na hinihintay at inaabangan ng mga crimson dahil dito malalaman kung sino ang mga hihiranging night keepers league of champions ngayong taon. Pero lingid sa kaalaman ng mga nakakarami hindi simpling labanan lang ang nangyayari sa match sa loob ng virtual reality field. Hindi nila alam na ang labanan ay hindi lang galing, talino, lakas at diskarte kundi labanan ng mga kapangyarihan.

Hindi alam ng mga taong-crimson ang totoong nangyayari sa night keeper's match. Ang mga nakakaalam lang sa totoong nangyayaring labanan ay ang mga hidden at mga guardians, maging ang ibang night keepers ay walang alam na kapangyarihan ang batayan para makasama sa match kaya siguro ang iba ay nagtataka kung bakit sa tingin nila ay malakas at magaling sila sa martial arts pero hindi sila nasasali sa listahan para mabigyan ng chance para lumaban sa titulo ng pagiging kampeon.

Maaga akong nagising dahil sa isang tawag. Si Tonique kinakamusta ako nito at nagbilin ng instruction na magkita-kita kaming tatlo ni Grandeline sa Yin-Yang mga bandang ala una ng tanghali. Dahil sa night keeper's match ay diniklara ng dean na walang pasok ang mga grey class ngayong araw para masolo at malayang makapunta ang mga crimson sa Yin-Yang kahit anong oras.

Ala una ang usapan na magkikita kami nina Tonique at Grandeline  pero napagdesisyunan kong pumunta sa Yin-Yang ng maaga, mga bandang alas dose. Habang naglalakad ako sa side walk ng school ay napanganga ako dahil sa aking mga nakita. Nakabalandra ang mga mukha ng mga participants sa match sa mga naglalakihang tarpaulin at posters na nakasabit sa pader ng Yin-Yang. Wow! Meron palang mga fans ang ibang mga night keepers na kasali. Meron din kaming poster nina Tonique at Grandeline. Parang hindi ako makapaniwala meron din kaming fans. Sandali... Masyado yata akong nag-aasume, sigurado mga fans ni Tonique ang naglagay ng mga poster at tarpaulin na iyon at sigurado napasama lang ako kasi magkateam kami. Tsk!

Magkahalo ang naramdaman ko ngayon, masaya, excited at siyempre kinakabahan. Oh my goodness ito na yun. Ito na ang hinihintay at inaabangan ng lahat. 

Papasok na ako sa gate ng saglit akong matigilan. Sandali nga, umatras ako. Parang may nahagip ang mga mata ko. Atras, atras, sige pa. Ok stop! Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang isang malapad na tarpaulin na merong picture ko at ni Tristan. Napakunot ang noo ko, sino ang naglagay nito? Merong nakasulat na pentel pen sa babang bahagi binasa ko.

Galing ang tarpaulin na ito sa mga kaklase ko nung grey class pa ako. Napangiti ako, suportado nila ako para sa match, hindi lang ako kasama pa si Tristan. Wow, natouch ako dun. Hindi pala nila ako nakakalimutan.

Nakakainspire naman tong mga former classmates ko, sige lang mga classmates gagalingan ko sa laban para ipagmalaki niyo ako. Sabi ko sa aking sarili at isang ngiti ang sumilay sa aking labi.


Continue Chapter 37