YYU - Chapter 37: Let The Match Begins!
Humakbang ako papasok sa gate ng Yin-Yang at sinalubong ako ng isang masayang tanawin. Ang loob ng campus ay parang carnival, merong mga nakakalat na mga clown, nagbebenta ng mga balloons, cotton candy, ice cream at meron ding mga nakamascot. Nakakalat rin ang mga crimson kahit saan, yung iba ay may mga suot na pin at may mga bitbit na mga posters ng mga night keepers na kasali sa match, yung iba ay may mga drawing at sulat ng pangalan ng mga night keepers sa mukha.
Meron na ring mga participants na naunang dumating at nakasuot sila ng pinasadyang mga damit na sigurado akong gagamitin nila mamaya sa match. Merong mga lumalapit sa kanilang mga crimson at nagpapapicture. Wow nakahanda na talaga sila at meron pang mga costume. Naisip ko tuloy buti pa sila nakapagplano eh ako dinala ko lang ang training uniform ko.
Naglakad ako patungong canteen, doon na muna ako tatambay hanggang dumating sina Tonique. Nang biglang masalubong ko si Grandeline.
Napataas ang isang kilay ko. "Wow! What are you wearing?" Nagtatakang tanong ko kay Grandeline. Ang ganda ng suot niya. Nakasuot siya ng fitted na damit, tight long sleeve shirt ang top at above the knee shorts naman ang pambaba, at naka black boots. Ang kulay ng damit sa harapan ay kulay blue na merong kunting touch ng dark at light blue color, ang likuran naman ay kulay black. Ang shorts naman ay kulay black na ang edge ay merong dark at light blue na kulay.
"This is our combat costume, did you like it? Tonique prepared this for us." Sabi ni Grandeline.
"Yes. It's awesome." Sabi ko at ngumiti. Naisip ko tuloy kung ano ang itsura ko kapag nakacostume na ako. Nakakaexcite magcostume.
"Tara sa forbidden building, narun si Tonique." Anyaya ni Grandeline.
"Ok." Sabi ko at sumabay kay Grandeline papuntang forbidden building.
Ang usapan namin para magkita-kita ay ala una pero maaga rin pala silang pumunta. Kung sa bagay masmaganda na yung maaga kesa dumating na late.
Pumasok kami sa forbidden building, marami ng tao ang narun. Nagpatiuna si Grandeline sa second floor at sumunod naman ako. Sa pangatlong pinto sa right side ng hagdanan tumungo si Grandeline, kumatok at saka pumasok, sumunod ako dito. Sakto lang ang laki ng silid, merong sofa set at sa dulo ay merong double deck at katabi nito isang malaking wardrobe cabinet, meron ring pinto dun na hula ko ay comfort room.
Nadatnan namin si Tonique sa loob ng silid na nakaupo at parelax-relax habang nakikinig sa kanyang ipod. Nakasuot na ito ng combat costume namin. Wooohh!! Ang combat costume namin ay katulad din kay Grandeline, magkatulad ang top at pambaba, above the knee rin ang shorts. Ang magkaiba lang yata ay ang kulay blue na knee sock sa loob ng boots si Tonique samantala sa kay grandeline ay wala. Parang pangsoccer lang ang combat costume namin, pero masmagada at futuristic ang itsura.
Nang makita ako ni Tonique at mabilis nitong tinanggal ang headset sa kanyang tenga at nilapag ang ipod sa center table. Mabilis itong lumapit sa wardrobe cabinet, binuksan iyon at kinuha ang nakahanger na damit at boots. Lumapit siya sakin na nakangiti at ibinigay ang mga ito.
"This is for you. Im sure it will fit you." Sabi nito.
"Salamat." Sabi ko at matipid na ngumiti. Inabot ko ang damit at boots.
"Go on. Isuot mo na." Sabi ni Tonique at tinuro ang comfort room.
Pumasok ako sa loob ng comfort room at nagpalit ng combat uniform. Nang matapos ay tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Wow! Napangiti ako sa aking itsura. Ako ba to? Ang poging-cute ko naman sa costume kong ito. Umikot ako, ang ganda ng suot ko saktong sakto sakin. Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin, wow ang hot ko naman, hindi kaya masyadong maikli itong shorts na suot ko? At medyo halata yung bukol ko sa harapan, nakakahiya.
Lumabas ako ng comfort room, nakaabang pala sina Tonique at Grandeline sakin.
"Wow!" Narinig kong sabi nilang dalawa. Tipid akong ngumiti sa kanila sabay hila pababa ng shorts ko para kasing masyadong maikli pero hindi ito bumaba. Feeling hot, sexy and fresh tuloy ako dahil sa shorts na ito.
"Bagay sayo." Sabi ni Grandeline.
"Bagay sa atin." Pagtatama ko at nagkangitian kaming tatlo.
"So i guess it's time to meet our supporters outside." Wagas ang ngiti na sabi ni Tonique.
Nakaramdam ako ng kaba, oh my goodness, lalabas kami. Makikita ako ng mga crimson na ganito ang itsura ko. "Can i stay here?" Nag-aalalang sabi ko.
Umiling si Tonique. "No. No. We're team so simula sa oras na ito hindi na tayo maghihiwalay na tatlo, kung nasan ang isa dapat narun ang dalawa." Sabi nito.
Lumabas kaming tatlo sa silid at sabay na humakbang pababa sa hagdan, napapagitnaan ako nina Tonique at Grandeline. Habang pababa kami ay nakatutok saming tatlo ang mga mata ng mga narun sa loob ng forbidden building pati na yung ibang mga makakalaban namin. Pigil ang hininga ko samantalang confident at proud naman si Tonique, si Grandeline naman ay casual lang ang kilos.
Ang ibang mga night keepers na hindi kasali sa match ay nagsimula kaming picturan, hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi. Seneryuso ko na lang ang aking mukha. Nang tuluyan kaming makababa ay sinalubong kami ng dalawang babae na member ng radar club. Pansin kong nakatutok pa rin samin ang mga mata ng mga narun at nagbubulungan pa.
"Hello guys im Ivy and this is Shane, we are from radar club, we just want to ask you some questions if it's ok with you?" Simula ng babae na nagpakilalang Ivy.
"Sure." Sagot ni Tonique.
"Anyways, very nice costume." Humahangang komento ni Ivy.
"Thanks." Tugon ni Tonique.
"Before we ask you pwede mo bang ipakilala ang mga kasama mo Tonique? We are not familiar with them, so i guess they are new comers." Sabi ni Shane at inopen nito ang celphone, sinimulan nitong irecord ang interview.
"Yeah, this is Grandeline and this is Shero." Pakilala samin ni Tonique.
"Hi." Sabay na bati namin ni Grandeline.
Binalingan ako ni Ivy. "Hello. Wow! Look who's here, if im not mistaken you're the former grey class who was rumored as boy friend of Tristan, the brother of Phinilopy." Sabi ni Ivy sakin.
Napanganga ako sa narinig. "Oh no. It's not true. We're just friends." Biglang sabi ko.
"But some of your classmates confirmed to us that you and Tristan kissed in your class. Right?" Sunod na tanong ni Ivy.
"No... It's..." Nasabi ko, hindi ko alam kung pano ko sasagutin ang tanong ni Ivy. Ang mga ito siguro ang nagkalat noon ng rumors tunkol samin ni Tristan na lovebirds ng Yin-yang.?
"Oh please get rid of it, we're here for the match and not with that rumored romance." Putol ni Tonique. Hay salamat buti na lang at sinabi niya yun.
"Ok. So what do you call your team?" Tanong ni Shane, binalingan nito si Tonique.
"We are team Grantoshe. it's the combinatination of our names." Sagot ni Tonique. Yun ang pangalan ng team namin? Ang pangit naman, parang walang kadating-dating pero hayaan na lang.
"Very nice team name, so what are your preparations for this match?" Tanong ni Ivy at binalingan nito si Grandeline.
"We just practice harder and that's it.." Sagot ni Grandeline.
"Shero, do you think your team could make it to the top three?" Si Ivy.
"Ahmmmm.. Yeah?" Nag-aalangang sagot ko at napangiwi. Sana nga makasama kami sa top three dahil kung hindi naku lagot ako kay Tonique, ideya ko kasi na kaming tatlo ang magteam up para sa match.
"Of course, we have a big chance to win. Right guys?" Sabi ni Tonique at inakbayan kami ni Grandeline.
"Yes." Sabay na tugon namin ni Grandeline.
"Well, good to hear that." Sabi ni Ivy.
"Ok, i think that's enough we have to go now." Sabi ni Tonique sa dalawang interviewer at iniwan namin ang mga ito.
Lumabas kami ng forbidden building at maraming crimson ang narun sa labas, kumaway si Tonique sa mga ito at nagsitilian ang mga babae. Yung iba kinukunan kami ng pictures. Yung iba hindi nakatiis at dinumog kami at nagpapicture sila kasama namin. Feeling ko tuloy instant celebrity ako.
Pagkatapos nun ay dumiretso kami sa main center kung nasan narun ang ibang mga participants at kasama ang kani-kanilang mga supporters. Napabaling ang mga mata nila samin ng dumating kami. Pigil ang hininga ko at napalunok ako, hindi ko alam pero kinabahan ako bigla ng makita ko si Tristan, kasama nito ang team niya. Nakasuot din sila ng combat costume, combinasyon ng kulay pula at dilaw ang suot nila na parang lumalagablab na apoy. Short sleeve ang top at tight jeans ang pambaba at nakaboots. Ang gwapo ni Tristan subra.
Nag-alangan man ay ngumiti ako kay Tristan pero inirapan niya ako at hindi pinansin. Aray! Ang sakit nun. Mukhang tutuhanan na nga nito ang sinabi niya sakin nung nakaraan. Ito na nga siguro ang tinatawag na the end para samin. Bakit ganito ang ugali ng Tristan na to, sarap batukan. Nakakainis, palagi niya na lang akong pinapahirapan.
Nilayo ko ang aking paningin palayo sa grupo nina Tristan at nakita ko sina Fildon, Alexis at Travis na papalapit samin. Maganda rin ang suot nilang combat costume, fitted long sleeve shirt ang top at tight jeans na pinarisan ng boots ang sa kanila. Kulay lavender naman ang combat costume nila. Nagbatian kami at nagusap-usap hanggang sa dinumog kami ng ibang mga crimson.
Maraming lumapit samin na mga crimson at nagpapicture, ang iba nagpapasign ng pangalan sa mukha. Hindi ko na inisip ang pambabalewala ni Tristan sakin at binaling ko na lang ang pansin ko sa kasalukuyang mga nangyayari. Napapangiti ako, maraming makukulet na crimson yung iba nagnanakaw pa ng halik sa pesngi mapa babae man at lalake. Sa tingin ko nagustuhan nila ako dahil sa combat costume ko.
Pagkatapos nun ay bumalik na kami nina Tonique kasama ang team nina Alexis sa forbidden building para magpahinga at maghintay sa nalalapit na oras ng match. Katabi ng silid namin ang kina Alexis. Sinamahan kami ng mga ito sa aming silid at nag-usap kami tunkol sa match.
May alliance na mangyayari, at kakampi namin ang team nila Fildon. Napangiti ako sa ideyang ito, magaling kung ganun. Sa tingin ko may mga alliance rin ang ibang team. Palakasan at diskarte lang talaga ang labanan mamaya.
Habang papalapit ang oras ay lalo akong kinakabahan ng subra. Kumakabog ang dibdib ko at para akong hindi mapakali. Nakakatense grabe. Ang dami ng pumapasok sa isip ko ng kung anu-ano tunkol sa laban.
Sumapit ang alas tres, alas kwatro at nung dumating ang alas singko y media ay pinatawag na kaming mga participants at pinapunta sa training room. Bakante ang loob ng training room at kaming 33 participants lang ang narun sa loob.
Maya-maya ay narinig namin ang boses ni prop Goldfield. Natahimik ang buong silid.
"Good afternoon night keepers. Today is the day for the night keeper's match. Excited na ba ang lahat?" Sabi ni prop Goldfield.
Walang may sumagot... Katahimikan... Nababalot ng tension ang silid.
Napabaling ang pansin namin sa weaponry room ng bumukas ito, lumabas ang dalawang babae at dalawang lalake na mga night keepers pero hindi kasali sa match, natatandaan ko sila, sila yung mga kasama dati ni Alexis sa ruins nung makalaban namin ang limang crimson na nagnakaw ng golden scale. Binigyan kami ng mga ito ng tig-iisang bracelet at maliit na square na kulay itim, manipis ito at nasa 2 inches ang width at length. Ang bracelet na binigay samin ay ang magseseperate samin sa virtual reality at reality, hindi ko naman alam kung para san ang maliit na square na iyon. Pagkatapos kaming bigyan ng apat ay bumalik na sila sa loob ng weaponry room
Nagsalita ulit si prop. "Makinig ang lahat at sasabihin ko ang mechanics ng match. Hawak niyo ngayon ang maliit na square na sisimbolo sa yin o dark. Sa loob ng virtual reality field ay merong mga nakaabang na mga kalaban, ang ilan sa mga masasagupa niyo ay nagtataglay ng kulay puti na square na magsisimbulo naman sa yang o light. Meron lamang siyam na white square sa loob ng field at nasa loob ito ng katawan ng mga mobs o kalaban, hanapin niyo ito at idikit sa hawak niyong black square, kapag nagawa niyo iyon maactivate ang map na nakainstall sa dalawang square. Ang map ay magtuturo sa inyo ng port gate kung saan kayo pupunta para makalabas sa virtual reality. Kapag nakalabas kayo ng port gate dala ang pinagsamang yin-yang square ay mapapabilang kayo sa siyam na kampeon. Ang laban na ito ay indibidwal, ang binuo niyong team ay alyansa niyo lamang sa match pero nasa sa inyo pa rin kung makikipagtulungan kayo sa mga kasama niyo o hindi. If you want to win this match, protect the yin in your hands and find the yang square and dont let anybody take that away from you. You have four hours to finish this match. Only one rule to remember, no killings. We will be watching you, any fatal actions from you and you will be out from the match and not only that you will be banned in this university. I hope this is clear to all of you." Pagbigay impormasyon ni prop.
Nagsimulang umingay ang paligid, kung ganun palabas lang pala ang lahat na grupo ang labanan dahil sa huli lahat kami ay maglalaban-laban pa rin. Nakaramdam ako ng kaba. Sino na ngayon ang pagkakatiwalaan ko sa field kung kalaban namin ang isa't isa? Mukhang hindi maganda ito. Kaming lahat ay maglalaban at mag-aagawan para siyam na yang square.
Mahabang katahimikan at muling nagsalita si prop Goldfield. "Good luck to all of you. May the best player win."
At narinig namin ang boses ng lalake na parang robot. "Night keepers please be ready. Virtual reality field will be activated in 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1. Let the match begin!"
At biglang umiba ang paligid, wala na sa tabi ko ang ibang mga participants. Pinaghiwa-hiwalay kaming lahat. Ang lugar na ito...