YYU - Chapter 38: The Desert Mountain
Ang lugar na ito ay parang isang desyertong bundok. Nakatayo ako sa paanan nito, natatanaw ko ang mga naglalakihang mga biyak na bato at mga nagtataasang pangpang at bangin sa taas. Tuyo ang mga halaman at mga puno sa paligid. Walang kabuhay-buhay kahit saan ako lumingon, para itong patay na bundok. Sa pinakatutok nito ay natatanaw ko ang isang luma ngunit malaking kastilyo. Sigurado akong naroon ang portgate, siguradong doon tutungo ang lahat na mga participants. Mukhang mahihirapan kami ng husto sa pag-akyat sa mga bangin bago marating iyon.
Nakikita kong papalubog na ang araw, dapat ko ng bilisan at pumaroon. Meron lang kaming apat na oras para mahanap ang mga yang square, walang oras ang dapat masayang. Total nandito na lang din ako kaya gagawin ko na ang lahat ng makakaya ko para pagtagumpayan ang hamon na ito.
Tinignan ko ang yin square sa kamay ko at pinasok ito sa loob ng aking knee sock. Tulad ng sinabi ni prop Goldfield dapat itong ingatan at protektahan. Nagsimula akong humakbang paakyat sa matarik at mabatong bangin. Alerto ang pakiramdam ko, ano mang oras ay maaaring may umatake sakin. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib, pinapalakas ko na lang ang aking kalooban. Kahit papano ay alam ko ng gamitin ang kapangyarihan ko. Alam ko na kung pano lumaban.
Mataas ang mga bangin kaya medyo mahirap akyatin pero buti na lang at ok ang combat costume ko. Hindi ako nahihirapan masyado. Lakas ng braso at binti ang gamit ko habang inaakyat ang mabatong bangin. Ramdam ko ang pawis sa aking likod at noo. Pinagpatuloy ko ang pag-akyat hanggang sa narating ko ang patag na bahagi ng bundok..
Mula sa kinaroroonan ko ngayon ay tanaw ko na ang ibabang bahagi ng bundok, mataas na ang narating ko pero may kataasan pa ang kelangan akyatin bago marating ang lumang kastilyo. Wala akong nakikitang participants sa baba. Nasaan na kaya sila?
Nang biglang gumalaw ang lupang inaapakan ko. Mabilis akong napaatras, may lumabas na halimaw sa lupa. Isang heganteng tao na may ulo ng ahas. Meron itong hawak na malaking pamalo. Sinugod niya ko at mabilis akong hinampas, nakailag ako at gumulong. Habang nakaluhod ako sa lupa ay mabilis na sumugod ulit ang hegante at akma akong hahampasin ng itinaas ko ang aking kamay. Ginamit ko ang blood manipulation, ito lang ang sa tingin ko ang panlaban ko ngayon dahil walang tubig sa paligid. Napahinto sa paggalaw ang hegante.
"Ahhhhhh!!!!" Sigaw ko sabay tapon sa hegante sa malaking bato. Sumabog ang katawan nito. Sabi ni prop nasa katawan ng mga halimaw makikita ang mga yang square. Lumapit ako sa pinagsabugan ng hegante, wala akong nakikitang yang square. Sayang...
Tumitig ako sa taas ng kastilyo. Dapat akong makarating dun. Sinimula ko na ulit ang pag-akyat sa bangin. Palipat-lipat sa mga naglalakihang bato. Malapit ng lumubog ang araw.
Mabuti at nakapagsanay ako at dahil dun nakokontrol ko na ang mana sa aking katawan kaya hindi na ako nahihilo. Ramdam ko ang kabog sa aking dibdib, ramdam ko ang pagod pero kaya ko pa. Naririnig ko ang mabilis kong paghinga. Ramdam ko sa aking mga kamay ang matitigas na bato na aking nakakapitan.
Narating ko uli ang patag na bahagi. Palingon-lingon ako, baka biglang may lumabas na namang kalaban. At hindi nga ako nagkamali merong dalawang halimaw ang lumabas. Mga bato na naging batong halimaw, malalaki rin sila. Wala akong nararamdamang likido sa kanilang katawan, wala silang dugo. Pano ko sila matatalo?
Tumakbo ang dalawang batong halimaw at sumugod sakin, mukhang dudurugin nila ako. Sinalubong ko sila at lumusot sa paa ng isa. Malalaki sila kaya nagawa kong lumusot. Humarap sila sakin at ako naman ay mabilis na umakyat sa bangin.
Bilis akyat... Nang biglang...
"Ahhhhh! Bitiwan mo ko!!!!" Napasigaw na sabi ko dahil nahuli ng isa batong halimaw ang paa ko. Nagpumiglas ako at isang sipa sa mukha ng hegante ang pinakawalan ko. Nakawala ako, hirap akong umakyat sa bangin hanggang sa nakarating ako sa mataas na bahagi ng makipot na patag. Hindi na ako abot ng mga batong halimaw. May mga bato akong nakita, kumilos ako at pwersang itinulak ang isa. Bumagsak ang malaking bato sa patag kung saan narun ang dalawang batong halimaw pero hindi sila natamaan. Tinulak ko ulit ang isa pang bato. Hindi ko pa rin sila mataan, tinulak ko ulit ang isa pang bato ng biglang gumalaw ang kinatatayuan ko. mukhang guguho ito.
Lumingon ako sa aking likuran, may nakita akong ugat. Mabilis akong tumalon at kumapit dito kasabay naman ng pagguho na makipot na patag. Bumagsak ang mga bato at lupa sa dalawang batong halimaw. Sumabog ang mga ito. Pinagmasdan ko mabuti ang pinagsabugan nila, wala pa rin akong makitang yang square.
Tatlong halimaw na ang natumba ko pero mukhang hindi ako sinuswerteng makahanap ng yang square. Inangat ko ang aking sarili at pinaglakbay ko ang aking mga kamay sa ugat ng puno. Mahigpit ang hawak ko dahil nakalambitin ako sa bangin. Kapag nalaglag ako ay doon ako pupulutin sa pinaguhuan ng mga bato.
Sige akyat pa, hawak lang ng mabuti. Sa tulong ng ugat ng puno ay nakaahon ako. Sa wakas narating ko ang taas na bahagi. Napaupo ako at napasandal sa puno ng patay na kahoy. Nakakapagod na, magkahalo na ang pawis ko at alikabok. Hinihingal na ako. Naramdaman kong biglang gumalaw ang puno.
Mabilis akong tumayo at pinanood ito. Naging isang punong halimaw ito. Gumalaw ito at humampas sa akin ang kanyang mga sanga, masyadong itong mabilis kaya hindi ako nakailag at natamaan ako sa likod. Bumagsag ako sa lupa. Habang nakahandusay ako ay humampas ulit ang mga sanga nito, mabilis akong gumalong ng padapa para umiwas. Hindi ako natamaan, tumayo ako at naramdaman ko ang sakit sa aking likuran.
Tinutuk ko ang aking mga kamay sa punong halimaw, naramdaman kong may kunting dumadaloy na likido sa katawan nito. Pwersahan kong hinugot palabas sa katawan ng punong halimaw ang nalalabing katas nito. At nakita kong mabilis na natuyo ito at naagnas ang katawan. Bigla itong umapoy at naging abo. Napalaki naman ang aking mga mata sa aking nasilayan. Isang surpresa ang iniwan nito para sakin. Merong nakalutang na yang square sa ibabaw ng abo ng punong halimaw. Iyon ang hinahanap namin, iyon ang pares ng yin square para maactivate ang mapa na magtuturo sa port gate.
Humakbang ako papalapit sa yang square ng biglang may sumulpot na malaking ibon at mabilis nitong dinagit ang yang square na dapat sana ay sakin...