YYU - Chapter 39: Fight and Seek

 


***TRISTAN'S POINT OF VIEW***

ISANG DESYERTONG BUNDOK at sa tuktok nito ay isang lumang kastilyo ang aking nakikita. Siguradong narun ang port gate sa kastilyong iyon. Matarik at mabato ang bundok, nagtataasan ang mga bangin at pampang. Natitiyak kong mahihirapan ang marami sa pag-akyat para marating ang tuktok ng bundok na ito. Hindi ako mahihirapan sa isang to.

Palingun-lingon ako sa aking paligid, wala akong nakikitang mga manlalaro. Pinaghiwa-hiwalay kaming lahat. Meron lang kaming apat na oras, dapat na akong kumilos. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Pinakiramdaman ko ang aking mana sa aking katawan, salamat kay Mr.Gumban at sa tulong niya natutunan ko kung pano gamitin ito.

Tumayo ako ng tuwid at pinagana ko ang pagdaloy ng aking mana sa aking buong katawan. At sa ilang saglit lang ito na ako at lumulutang sa hangin. Gravitation ang kapangyarihan ko kaya may kakayahan akong kontrolin ang gravity at itong paglevitate ko ay isa lang sa mga kaya kong gawin.

Siguradong ako ang mauuna sa lumang kastilyong iyon. Lalo kong inangat ang aking sarili sa ere, mataas na ang aking lipad na nakikita ko ang ibang manlalaro na umaakyat sa mga pampang. Yung iba ay nakikipaglaban na sa mga halimaw sa mga patag na bahagi ng bundok.

Nagsisimula na ang labanan, manlalaro laban sa mga halimaw at mga manlalaro laban sa kapwa manlalaro. Kelangan kong makakita ng yang square at makikita ko lang iyon kapag nilabanan ko ang mga halimaw sa bundok. Doon ako tutungo sa kastilyo, siguradong meron ding mga halimaw dun na nagtataglay ng yang square sa katawan.





***FILDON'S POINT OF VIEW***

HINDI PA AKO NAKAKAAKYAT SA BUNDOK pero heto at inaatake na ako ng apat na hegante na merong mga ulo ng ahas. Mabilis kong inilabas ang mga kadena sa aking mga palad, tatlong kadena sa bawat palad ko. Pumalupot sa apat na hegante ang mga kadena. Mukhang hindi maganda to... Sa subrang laki ng mga kalaban ko parang walang silbi ang mga kadena ko.

"Ahhhh!! Ahhhh" Napasigaw ako ng hinila ng apat na hegante ng sabay ang mga kadena ko sa kamay. Sa subrang lakas ng paghila nila ay tumilapon ako sa lupa. Aray ang sakit ng likod ko. Mabilis kong binawi pabalik sa aking mga palad ang mga kadena, kaasar sa subrang laki nila hindi ko magamit ang kapangyarihan ko, bukod pa dun apat sila at nag-iisa lang ako.

Nakita ko silang tumakbo palapit sakin mabilis akong tumayo. Kailan kong makaisip ng paraan para isa-isa silang mapabagsak. Tumakbo ako palayo sa kanila, lumingon ako, malapit na sila sakin ng biglang may sumulpot na mga malalaking baging sa lupa at pumalupot sa katawan ng mga hegante. Napatigil ako sa pagtakbo at pinanood ang nangyayari. Lalong humigpit ang mga baging sa katawan ng mga hegante at sa isang iglap lang sumabog ang mga hegante.

Isang manlalaro ang nakita kong papalapit sakin. "Grandeline..?" Bigkas ko.





***TRAVIS' POINT OF VIEW***

DAHIL SA KAPANGYARIHAN KONG TELEPORTATION ay hindi ako nahirapang umakyat sa desyertong bundok na ito. Sa isang kisap mata lang heto at nasa harapan ko na ang lumang kastilyo. Napalingon ako sa aking kaliwa, papalubog na ang araw. Wala pang manlalaro ang nakakaakyat dito sa tuktok maliban sakin.

Wala pa akong nakakalaban na halimaw, wala akong nakikita sa paligid. Pano kaya kung pumasok ako sa loob ng kastilyong ito? Nakaramdam ako ng kaba, sinimulan kong humakbang papasok sa loob ng kastilyo at lumiwanag ang mga sulo sa paligid. May mga estatwang nakatayo sa paligid at hawak ang mga nagiliwanag na mga sulo.

Napatigil ako sa paghakbang at napatingin sa sahig. Isang salamin ang sahig pero nakapagtataka, hindi ko makita ang aking sariling repleksyon. Nang bigla na lang isang sipa ang naramdaman ko sa aking likuran. Bumagsak ako sa sahig at hindi makapaniwalang tumingin sa lalakeng sumipa sakin. Ang lalakeng iyon ay ako, siya ang aking rekpleksyon...





*** ALEXIS' POINT OF VIEW***

HAY ASAR! Ano ba naman tong lugar na to?! Kailangan pang magmountain climbing. Nasakalagitnaan na ko ng bundok. OMG! Parang hindi ko na kayang umakyat. Napapagod na ko. Im so tired na talaga. Kelangan ko ng help. Wala man lang bang hagdan or whatever na makakatulong sakin para mapadali ang pag-akyat ko?

Napapagod na talaga ako promise.  Makaupo muna saglit. Ayon may bato! Lumapit ako sa bato at umupo. Kelangan kong magpahinga kahit kunti lang dahil hinihingal na ko sa pagmamountain climbing. Hindi ko napaghandaan to, grabe. Sandali, lumilindol ba? Bakit parang gumagalaw ang inuupoan ko?

Mabilis akong tumayo at lumayo sa batong inupuan ko. Gumagalaw ito, nagkakaroon ng buhay ang bato. OMG! Isang batong halimaw. Kumilos ang batong halimaw at sinugod ako. Itinaas ko ang aking mga kamay ay pinakawalan ko ang malakas na kidlat. Tumama ang kidlat sa katawan ng batong halimaw pero parang walang nangyari. Hindi natinag ang batong halimaw, tuloy-tuloy ang pagsalakay nito sakin at isang malakas na hampas ang tumama sa aking kanang braso. Tumilapon ako sa lupa..

Aray! Kakaasar ang halimaw na to, hindi ba niya nakikita? Isa akong babae kaya dapat sana mahina lang ang paghampas niya sakin. Ang lakas ng pagkakahampas niya sakin, mababalian yata ako ng buto. Mabilis akong tumayo, susugod na naman ang batong halimaw.

"Ahhhhhhh!!! Ginagalit mo ko!" Naiinis na bigkas ko at pinakawalan ko ang mana sa aking buong katawan. Nabalot ang buo kong katawan ng kuryente. Tinaas ko ang aking mga kamay at sinimulan kong atakihin ang batong halimaw.

"Walang hiya kang halimaw ka! Hindi kita hahayaang saktan uli ako, plano mo pa akong baliin ha!" Galit na sigaw ko sabay pakawala ng isang malakas na kidlat at tumama iyon sa ulo ng batong halimaw. Sumabog ang batong halimaw.





***TONIQUE'S POINT OF VIEW***

MALAPIT NA AKO SA KASTILYO. Ilang metro na lang ang aakyatin kong pampang at mararating ko na ito. Napatingin ako sa tatlong kasama kong manlalaro, isang babae at dalawang lalake. Nakikipaglaban sila sa dalawang punong halimaw. Dahil sa kapangyarihan kong heaven's heart ay nagawa ko silang pasundin sa utos ko at iyon ay protektahan ako sa mga kalaban. Kaya heto habang nakatayo ako at ligtas, sila naman ay nakikipagbakbakan sa dalawang punong halimaw.

Mukhang nahihirapan silang tatlo na tapusin ang mga punong halimaw. Nakakabagot ang maghintay. Nakita kong tumilapon ang isang lalake na may kapangyarihan na magpalabas ng sinulid sa kanyang mga daliri. Ang dalawa naman ay patuloy sa pakikipagbuno sa mga punong halimaw. Ang babaeng manlalaro ay may kapangyarihang magpalabas ng samurai sa kanyang palad at ang isang lalake naman ay may kakayahang palakihin ang kanyang kamay at braso ng limang bese sa original size nito.

Bumangon ang lalakeng humandusay sa lupa at ginamitan niya ng kapangyarihan ang isang punong halimaw, pumalupot ang maraming hibla ng pisi sa katawan ng punong halimaw. Hindi ito nakagalaw at bumagsak sa lupa. Mabilis namang kumilos ang lalakeng may malalakeng kamay at braso at pinagsusuntok ang bumagsak na punong halimaw. Natuyo ang katawan ng punong halimaw ay biglang umapoy at naging abo. 

Pinagtulungan ng tatlo ang isa pang punong halimaw, ganun ang ginawa nilang strategy. Pinaluputan ng pisi ang katawan ng punong halimaw at ng bumagsak ay inatake at pinagsusuntok ng lalakeng may malalakeng kamay. Umapoy ang katawan ng puno at naging abo.

Napahinga ako ng malalim. Marami na kaming naengkwentrong halimaw sa pag-akyat dito sa bundok pero wala paring yang square. Papadilim na ang paligid.

"Tara na sa tuktok!" Sabi ko sa tatlong manlalaro na nasa ilalim ng kapangyarihan ko.





***MARU'S POINT OF VIEW***

NASA TUKTOK NA AKO NG BUNDOK at mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang malaking kastilyo. Mukhang maraming manlalaro na ang nakaakyat. Napabaling naman ang pansin ko sa dalawang manlalarong lalake na nakikipaglaban sa isa't isa. May pinag-aagawan sila. Kung tama ako, yang square iyon. Malayo sila sakin, nagsimula akong humakbang papalapit sa kanilang direksyon.

Huminto ako malapit sa kanila. Tama nga ako, yang square ang kanilang pinag-aagawan. Nakikipagsuntukan sila sa isa't-isa. Ang kapangyarihan ng isa ay lion shifting samantala ang isa naman ay bear shifting. Mukhang patas ang kanilang laban, pero wala akong panahon para panoorin sila.

Nabitawan nila ang pinag-aagawang nilang yang square at bumagsak ito sa aking harapan. Yumuko at dinampot ito. Natigil sa pakikipagbuno ang dalawang manlalaro at tumingin sakin. Isang ngiti ang pinakawalan ko at tumalikod.

Naramdaman kong pareho silang tumayo at tumakbo para atakehin ako mula sa likuran. Pero hindi umubra ang kanilang pag-atake, tumagos lang sila sa katawan ko. Bumagsak sila sa aking harapan at nakita ko ang panghihinayang sa kanilang mga mukha. Isa akong wall-walker, kaya kong tumagos at patagusin sa aking katawan ang kahit na anong bagay. Hindi nila ako mahahawakan, wala silang magagawa para bawiin ang yang square na hawak ko.

Ngumiti ako, kapag sinuswerte ka nga naman. "This is mine now." Sabi ko sa kanila at kampanteng naglakad habang hawak ko sa aking kamay ang yang square na magpapanalo sa akin.





***LILYU'S POINT OF VIEW***

NASA LIKURANG BAHAGI AKO NG LUMANG KASTILYO at isang babaeng manlalaro ang nakita kong pumasok sa pintuan. Hawak niya ang naactivate na mapa ng pinagsamang yin-yang square. Kailangan kong makuha iyon sa kanya, iyon ang magtuturo sa port gate.

Mabilis akong tumakbo at sumunod sa babae. Naramdaman niya ang presensya ko, napalingon siya sakin. Sampung metro ang layo ko sa kanya. Nasa loob kami ng malapad na silid.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Pinakawalan ko na kaagad ang aking kapangyarihan at iyon ay ang gumawa ng ilusyon. Gumawa ako ng ilusyon ng madilim na kagubatan, lumikha ako ng mga halimaw na katulad sa mga nakalaban ko kanina. Mga hegante na may ulo ng ahas at mga batong halimaw pati na rin ng mga punong halimaw.

Napaatras ang babae at parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Ito ang kapangyarihan ko, kapag nasa ilalim ka na ng ilusyon ko ay hindi ka na makakawala, magiging parang totoo ang mga nasa paligid mo.

Pinalibutan ang babae ng mga nilikha kong halimaw. Narinig ko siyang sumigaw, nakakabingi ang boses niya. Kung ganun ito ang kapangyarihan niya voice sound wave. Napakapit ako sa aking tenga. Nakakarindi ang boses niya pero wala pa ring epekto ang kapangyarihan niya sa ilusyon ko.

Lumapit sa kanya ang mga ginawa kong mga halimaw, tatakbo sana siya pero isang malakas na suntok sa kanyang tagiliran ang pinakawalan ng batong halimaw. Tumilapon ang babae sa sahig at nabitawan niya ang naactivate na yin-yang square. Mabilis akong tumakbo palapit sa tumilapon na yin-yang square at kinuha iyon. Ang totoo'y harmless ang ilusyon ko at hindi nito kayang manakit ng pisikal, ang totoong pintupunterya ng ilusyon ko ay ang isip at ang utak ng tao, kapag nakulong ang isip ng tao sa ilusyon ko ay magiging makatutuhanan at mararamdaman niya na ang mga nangyayari sa paligid niya ay totoo.

Dalawang metro ang layo ko sa bumagsak na babae, nakatingin siya sakin at galit ang mukha. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya sabay taas sa binitawan niyang yin-yang square. "Salamat dito." Sabi ko.

"Ibalik mo sakin yan!" Sigaw niya.

"Too late." Nakangiting sabi ko at pinuno ko ng usok ang paligid para maglaho ako sa paningin niya.


Continue Chapter 40