YYU - Chapter 40: Alliance

 


***FILDON'S POINT OF VIEW***



"Grandeline!" Tawag ko.



Lumapit sakin si Grandeline. "Fildon, nasan yung iba?" Tanong nito.



"Hindi ko alam," Sagot ko at tinignan ang lumang kastilyo sa tuktok ng bundok. "Sigurado umaakyat na sila patungo sa kastilyong yan." Sabi ko at binalingan si Grandeline.



Nakita kong nakatingin si Grandeline sa kastilyo. "Kung ganun tara na." Sabi nito.



"Sige, pero mukhang mahihirapan tayong akyatin ang bundok na to."  Sabi ko at nagpatiunang lumapit sa mabatong bangin. Nilingon ko si Grandeline.



"Ako ang bahala." Sabi nito at matipid na ngumiti. "Lumapit ka dito sakin." Sabi niya.



Mabilis akong lumapit sa kanang bahagi niya. Tinutok niya ang dalawang kamay sa lupa at biglang may lumabas na malalaki at masangang halaman dito. Lumapit si Grandeline sa halaman at pumatong sa sanga. Senenyasan niya akong pumwesto rin sa kabilang halaman. Mabilis ko naman siyang sinunod.



Nagtataka ako kung anong plano niya. "Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko.



"Kumapit ka lang ng mahigpit." Tugon nito at tumingala sa kastilyo.



Napakapit ako ng mahigpit sa mga sanga ng halaman ng bigla itong gumalaw. At nakita ko na lang bigla itong lumalaki at umaangat. Mabilis humaba at gumapang ang halaman sa mga mga bangin at pampang. Parang nakikipagpaligsahan ang halaman na kinakapitan ko sa halaman na pinapatungan ni Grandeline. Gumagapang ang mga ito paakyat sa bundok.



Napatingin ako sa baba, ang taas na kinaroroonan namin. Ang galing ng kapangyarihan ni Grandeline. 





***TRAVIS' POINT OF VIEW***



Tumayo ako at tinitigan ang lalakeng nasa harapan ko. Nakita ko siyang ngumiti. Kung siya ang repleksyon ko ibig sabihin pareho kami ng kapangyarihan. Humakbang ako patagilid habang ang aking mga mata ay nakapako sa kanya.



Pinagana ko ang aking mana sa buo kong katawan para magteleport. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at nagteleport ng biglang bumagsak ako sa sahig. Merong force field ang nakapaligid sa lugar na ito. Hindi ako makalabas. Mabilis akong tumayo at inikot ang aking mga mata.



Hindi ito ang kastilyo, sigurado akong nasa ibang dimensyon ako. Ako ang kauna-unahang nakapasok dito kaya sigurado akong bahagi ito ng laro. Posibling makakalabas lang ako at makakabalik sa totoong kastilyo kapag natalo ko ang aking repleksyon.



Biglang naglaho ang repleksyon ko...



"Arggghhhh!!" Napasinghap ako ng isang sipa ang tumama sa aking tiyan. Nakakainis! Nagteteleport ang aking repleksyon at inaatake niya ako, ang bilis niya.



"Ahhh!" Isang sipa mula sa aking likuran ang tumama sakin. Humandusay ako sa sahig. Asar! Pinaglalaruan ako ng sarili kong repleksyon. Mabilis akong tumayo.



Gusto mo pala ng ganitong laro ah. Sige maghulian tayo! Nagteleport din ako, pasulpot-sulpot at naglalaho kahit saan. 



Pinagana ko ang aking pandinig dahil nagdudulot ng tunog ang teleportation. Ang paglaho at pagsulpot at may iniiwang tunog sa hangin kaya kung pakikinggan mong mabuti ang paligid matutukoy mo kung saang bahagi siya naglaho at sumulpot.



Naririnig ko ang galaw niya, alam ko na ang rytmo ng pagsulpot at paglaho niya.



Nasa likuran ko siya, mabilis akong humarap dito...



"Huli ka!!" At isang suntok sa mukha ang pinakawalan ko sa aking repleksyon, natumba ito sa sahig. Nagteleport ako sa kanyang likuran at sinipa ko siya habang nakadapa. Bigla siyang naglaho. Nakita ko siya nasa taas, nagteleport ako sa ere at double-hand smash ang pinakawalan ko sa likod ng repleksyon ko. Bumagsak siya sa sahig.





***ALEXIS' POINT OF VIEW***



Sa wakas narating ko na rin ang tuktok. Mabilis akong tumakbo sa loob ng kastilyo. Maliwanag na sa loob, nakasindi ang mga sulo na hawak ng mga nakarayang mga estatwa. Mukhang may mga nakapasok na dito. Palingon-lingon ako habang humahakbang.



Napalingon ako sa aking kanan, isang pinto. Mabilis akong lumapit dito at binuksan iyon. Pumasok ako, isang hagdanan sa loob ang aking nakita. Mabilis akong tumakbo paakyat sa hagdan ng biglang gumalaw ito. At biglang umiba ang paligid...



Inikot ko ang aking paningin,  mataas ang araw at napapalibutan ako ng hanggang sakong na tubig. Anong lugar to? 



Biglang may lumabas na mga halimaw sa tubig, mga taong may ulo ng pating. May mga kaliskis ang maiitim nilang balat at may mga hawak silang matutulis na espada. Ang mga halimaw na to, sila mga halimaw na kinatatakutan ko noong bata pa ko. Sila ang tinatawag na nightmares of the deep ayon sa librong nabasa ko.



Humakbang sila patungo sa direksyon ko habang winawasiwas ang espada sa kanilang harapan. Mukhang plano nila akong echop-chop. Napaatras ako at napalingon sa aking likuran ng may mabangga ang likod ko.



"Tonique..?"





*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Napatigil ako sa paglipad patungo kastilyo ng makita ko si Shero na nakikipaglaban. Dito lang ako sa ere at panonoorin ko siya. Baka kelanganin niya ang tulong ko mamaya. Isang hegante na merong ulo ng ahas ang kalaban niya, mabilis niya itong natalo.



Umakyat siya sa bangin at sunod na hinarap naman ang dalawang batong halimaw. Mukhang nahihirapan siya sa dalawang yun. Nakita kong mabilis na umakyat si Shero sa bangin para makalayo sa mga batong halimaw pero nahuli ang isa niyang paa. Nagpumiglas siya at nagawa niyang makawala.



Nasa patag na si Shero, nakita kong nahihirapan siyang itulak ang isang bato pabagsak sa dalawang halimaw, nagawa niya pero hindi niya natamaan ang mga ito. Itinulak niya ulit ang isa pa, hindi pa rin natamaan ang mga ito.



Sa pagkakataong to kelangan ko ng gamitin ang kapangyarihan ko para matulungan si Shero. Tinulak ni Shero ang pangatlong bato na sinabayan ko ng paggamit sa aking kapangyarihan. Pinaguho ko ang lupa at bumagsak iyon sa mga batong hegante, pero mukhang napasubra yata ang lakas ng kapangyarihan ko dahil pati kinatatayuan ni Shero ay gumuho rin. Mabuti na lang at nakatalon siya sa ugat ng puno. Nakalambitin si Shero sa bangin.



Gusto ko na siyang lapitan para tulungang pero pinigil ko ang aking sarili. Kaya mo yan Shero. Nandito lang ako, babantayan kita.



Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang nakaahon mula sa pagkakalambitin sa bangin. Mukhang ayos na siya, nakasandal siya sa puno. Nang biglang gumalaw ito, nagkakaron ng buhay ang puno. Isang punong halimaw. Kumilos at umatake ang punong halimaw, tinamaan sa likod si Shero ng mga sanga nito at bumagsak ito sa lupa. Umatake ulit ang punong halimaw, nakailag si Shero.



Mabilis na tinutok ni Shero ang mga kamay sa punong halimaw, hindi ko alam kung anong ginawa niya pero parang hinigop niya palabas ang katas sa katawan ng punong halimaw. Natuyo ang katawan ng punong halimaw at biglang umapoy at naging abo.



May nakikita ako, iyon ba ang yang square? Nakalutang ito sa itaas ng abo ng halimaw na puno. Mukhang siniswerte si Shero, nakahanap na siya ng yang square.



Napanganga ako ng biglang may sumulpot na malaking ibon at dinagit ang yang square na dapat sana ay kay Shero. Ang pinaghirapan ni Shero na yang square sa isang iglap lang ay mawawala pa...





***SHERO'S POINT OF VIEW***



Dinagit ng malaking ibon ang yang square na para sakin. Hindi ako papayag ng ganun-ganun na lang. Bago pa ito makalayo ng tuluyan ay tinaas ko ang aking mga kamay at itinutok sa lumilipad na ibon. 



"Ibalik mo sakin yan!!" Malakas na sigaw ko sabay gamit ng blood manipulation. Pinatigil ko sa paglipad ang ibon at hinila ito pabalik sa direksyon ko.  Kontrolado ko ang katawan niya, hindi siya makakawala sa kapangyarihan ko. 



Nang makalapit na sakin ng husto ang ibon ay minapula ko siya pabagsak sa lupa, malakas ang pagkasubsob niya. Nakita kong Tumilapon ang yang square, mabilis akong tumakbo at dinampot iyon, mahigpit ko itong hinawakan sa aking kamay. Napansin ko namang biglang  nagbago ang anyo ng malaking ibon at naging malaking ahas ito.



Napaatras ako at napalingon sa aking likuran, bangin. Napahinto ako sa pagkilos, kapag umatras pa ko siguradong bali-bali ang buto ko dahil ang taas ng babagsakan ko. Pigil ang aking hininga at parang hindi ako makagalaw dahil nakatunghay sakin ang malaking ahas na kulay berde. Lumalabas ang dila nito habang dahang-dahang papalapit sakin. Kapag tinuklaw niya ko siguradong kasyang-kasya ako sa bunganga niya.



Tinaas ko ang aking kaliwang kamay at tinutok sa malaking ahas, pinatigil ko siya sa paglapit sakin gamit ang blood manipulation. Hawak ng kanang kamay ko ang yang square kaya isang kamay lang ang pwede kong gamitin para kontrolin ang ahas pero parang hindi ko kaya. Pinipilit ng malaking ahas na makawala sa kapangyarihan ko. At biglang humampas ng malakas ang buntot niya sakin.



Tumilapon ako sa ere. Napatingin ako sa baba, babagsak ako. Kinuyom ko sa aking dalawang kamay ang yang square at dinala sa aking dibdib. Pumikit ako, ramdam kong mabilis akong nahuhulog...



Nang bigla ko na lang naramdaman na parang nakalutang ako sa hangin. Binuksan ko ang aking mga mata. Tama, nakalutang nga ako sa hangin.



"Tristan..?" Sambit ko. Nasa harapan ko siya. Tinulungan niya ako na huwag mahulog. Nakaramdam ako ng kaba. Akala ko galit siya sakin? Akala ko hindi niya na ako papansinin. Bakit niya ako tinulungan?



Nagulat ako ng lumipad palapit sakin si Tristan at niyakap ako ng mahigpit.



"Shero..." Narinig kong bulong niya sa pangalan ko.


Continue Chapter 41