YYU - Chapter 41: Old Castle
*** TRAVIS' POINT OF VIEW ***
Bumagsak sa sahig ang aking repleksyon at biglang sumabog na parang usok at naglaho. Napalaki ang mga mata ko ng makita ko ang iniwan nitong bagay, isang yang square. Nagteleport ako palapit sa yang square at kinuha iyon.
Isang ngiti ang sumilay sa aking labi. Sa wakas nasa mga kamay ko na ang yang square. Mabilis kong kinuha ang yin square sa aking bulsa at dinikit ito sa yang square para maactivate ang mapa na nakainstall dito. Bigla itong nagliwanag, nakakasilaw, hanggang sa unti-unting lumiit ang liwanag. Isang laser map ang lumabas sa yin-yang square.
Tinignan ko ang laser map, kulay green ito na merong puti at purple na mga linya, ang nakikita ko ay mapa ng buong kastilyo. Merong pulang dot sa laser map, kung tama ako itong pulang dot ay ang naactivate na ying-yang square na hawak ko ngayon na nagpapakita kung saang lokasyon ako. Meron pang isang dot at kulay dilaw naman ito, sigurado akong ito ang port gate.
Inikot ko ang aking paningin at tinignan ko ang sahig, hindi na ito ang sahig na salamin. Natalo ko na ang aking repleksyon kaya nakabalik na ako sa totoong kastilyo. Hindi na ito ang dimensyon na pinaglabanan ko at ng repleksyon ko kanina.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at tinitigan muli ang laser map. Gusto ko mang magteleport sa port gate pero hindi ko magagawa dahil hindi ko pa nakita ang lugar, hindi ako nakakapagteleport sa isang lugar na wala akong ideya kung ano ang itsura ng paligid. Sa puntong ito wala akong choice kundi ang maglakad para makarating sa port gate na pinapakita ng laser map.
*** TONIQUE'S POINT OF VIEW ***
Napunta ako sa ibang dimension kasama ang tatlong manlalaro ng sinundan namin si Alexis ng pumasok ito sa isang silid sa loob ng kastilyo. Isang lugar na napapalibutan ng tubig ang aming kasalukuyang kinaroroonan, maganda ang sikat ng araw sa bughaw at maulap na kalangitan.
Kung ganu kaganda ang ambiance ng paligid ay ganun naman kapangit ang mga halimaw dito. Mga taong may maiitim na balat at kaliskis at merong ulo ng pating, meron pa silang matatalim na espada.
Si Alexis, hindi niya napansin ang aming biglaang pagsulpot dahil nakatuon ang paningin niya sa mga halimaw na hindi ko alam kung ano ang tawag, siguro mga isdang halimaw ang mga ito. Napaatras si Alexis hanggang mabangga niya ako, mabilis siyang humarap sakin.
"Tonique..?" Sabi niya, merong pagtataka sa kanyang boses.
"Oo ako to." Sabi ko at binalingan ang mga papalapit na mga halimaw.
"Guys atakehen sila!!" Pasigaw na utos ko sa tatlong manlalaro na nasa ilalim ng kapangyarihan ko.
Nakita kong tumakbo ang tatlo at nagsimulang makipaglaban sa mga halimaw. Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Alexis at inatake niya ang mga halimaw gamit ang kapangyarihan niyang kidlat. Pero....
"Ahhhhhh!!! Ahhhh!"
"Wahhhhh!!!"
"Ahhhhh!!"
Napasigaw kaming lahat, ako, ang tatlong manlalaro at pati na si Alexis ng magground ang tubig na inaapakan namin dahil ginamit ni Alexis ang kanyang kapangyarihang kidlat sa mga halimaw. Napaluhod ako sa tubig pati na yung tatlong manlalaaro, ang lakas ng boltahe ang kumuryente sa amin.
Napatingin ako sa mga halimaw, mukhang walang epekto sa kanila ang kidlat na pinakawalan ni Alexis, samantala si Alexis na mismong may kapangyarihan ng kidlat ay naapektuhan ng electric ground sa tubig.
"Alexis huwag mo ng gamitin ang kapangyarihan mo." Napalingon na sabi ko kay Alexis, kapag ginamit niya ulit ang kapangyarihan niya sigurado makukuryente na naman kami.
Tumango si Alexis, "Sige." Sabi nito.
*** GRANDELINE'S POINT OF VIEW ***
Narating namin ni Fildon ang tuktok ng bundok at sinalubong kami ng isang tanawin. Sa bukana ng kastilyo ay may apat na nakahimlay na mga manlalaro, mga wala silang malay. Anong nangyari sa kanila? Mukhang nakatulog sila.
Tumakbo kami palapit ni Fildon sa malaking pintuan ng kastilyo at pumasok. Agad naming napansin ang mga sulo na nagliliwanag at nakahilira sa tabi. Marami na siguro ang nakapasok dito.
"Fildon maghiwalay tayo." Baling ko kay Fildon. Mukhang walang mangyayari maganda kapag magkasama kaming dalawa dahil wala kaming nakikitang mga halimaw sa paligid. Siyam lang ang yang square sigurado ako na meron ng mga manlalaro ang nakakita sa ibang piraso.
Nakita kong tumango si Fildon. "Sige." Pagpayag nito.
"Good luck." Bilin ko sa kanya at naghiwalay kami.
Tumakbo ako ng diretso sa malapad na ball room at sa dulo merong dalawang hagdan na magkahiwalay. Napahinto ako at tinignan ang maghiwalay na malalaking hagdan, saan ako aakyat sa kaliwa o sa kanan?
Sige dito na ko aakyat sa kanang hagdan. Tumakbo ako paakyat sa hagdan hanggang marating ko ang ikalawang palapag. Maraming mga pintuan. Palingun-lingon ako, saan sa mga pintong ito ako tutuloy?
Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib, hindi dahil sa mga makakalaban kong halimaw kundi dahil baka wala ng naiwang mga yang square. Kapag ganun ano pa ang saysay ng pakikipaglaban ko? Gusto ko rin namang manalo. Humakbang ako, limang pintuan ang nilagpasan ko at napalingon ako sa aking kanan.
Dito ako papasok sa pang-anim na pintuan...
*** FILDON'S POINT OF VIEW ***
Naghiwalay kami ni Grandeline, salamat at dahil sa kanya hindi ako nahirapang umakyat sa mga bangin. Nandito na ako sa isang silid ng kastilyo, inikot ko ang aking mga mata. Napapalibutan ako ng maraming pinto.
Humakbang ako para pumasok sa isang pinto ng bigla akong natigilan dahil nakita kong may mga halimaw na lumabas sa mga pinto sa paligid ko. Isang dosenang halimaw ang nakapalibot sakin. Mga taong merong mamuscle na katawan at merong ulo ng lion at may mga sungay, mabalahibo rin ang kanilang katawan.
Chaku ang kanilang armas, naririnig ko ang ingay ng kanilang sandata habang winawasiwas nila ito sa hangin. Hinanda ko ang aking sarili, pano ko sila tatalunin eh ang dami nila? Kinakabahan ako pero di bali na. Kaya ko to. Pinagana ko ang aking mana sa katawan habang dahang-dahang umiikot para makita ko ang pwesto ng aking mga kalaban.
Nakakita ako ng tiempo, mabilis kong nilabas ang mga kadena sa magkabila kong kamay at ginawa ko iyong parang mga latigo, umikot ako sabay hampas ng aking mga kadena sa mga halimaw.
Natamaan sila at ang ilan sa kanila ay napaatras. Napatigil naman ako sa pag-ikot ng bumuhol ang aking mga kadena sa mga chaku ng ibang halimaw. Nahawakan nila ang mga kadena ko at hinila nila ito. Napadipa ako. Asar! Hindi ako makagalaw.
Pinalaho ko ang mga kadena sa aking mga kamay, hindi na nila ako hawak. Sumugod ang dalawang halimaw sakin. Mabilis akong lumuhod at tinutok sa kanilang mga katawan ang mga kamay ko. Lumabas ang mga kadena ko, tumama at tumagos ang mga ito sa tiyan ng mga halimaw. Sumabog at naglaho ang mga halimaw na parang usok.
Nakita ko na ang kanilang kahinaan at yun ay ang sikmura nila. Mabilis akong tumayo at pinunterya ang dalawang halimaw na magkatabi. Pinalabas ko sa aking mga palad ang mga kadena diretso sa tiyan ng dalawang halimaw. Sumabog ang mga ito at naglaho.
Nang bigla na lang natumba ako sa sahig dahil nilundagan ako sa likod ng tatlong halimaw. Hindi ako makagalaw dahil ang lalakas nila. Hawak nila ang mga braso ko at sinusubsob nila ang mukha ko sa sahig. Pinagalaw ko ang aking mga kadena sa aking mga kamay.
Pumulupot ang aking mga kadena sa bewang ng tatlong halimaw. Lalo kong pinahigpit ang pagkapulupot sa kanila at narinig ko ang kanilang pagsabog. Mabilis akong bumangon. Limang halimaw na lang ang natitira. Pinalandas ko ang aking mga mata sa bawat isa sa kanila. Nakapalibot sila sakin.
Lima lang sila samantalang meron akong anim na kadena, tatlo sa bawat kamay ko. Kapag hindi ako nagmintis sa pag-atake ay maaari ko silang matalo lahat sa isang atake lang. Dahan-dahan akong umikot habang nakatitig sa mga mukha ng halimaw na animoy gusto akong lapain.
Nakita ko ang kanilang paggalaw para atakihin ako. Mabilis akong nagslide patihaya sa sahig at pinakawalan ko ang aking mga kadena. Natamaan silang lahat sa tiyan. Nakita ko ang kanilang pagsabug na parang usok.
Mabilis akong bumangon ng makita ko ang isang puting bagay na nakalutang sa pinaglahuan ng isang halimaw. Ang yang square. Mga apat na dipa ang layo nito sakin. Lumakad ako patungo sa yang square ng bigla akong makaramdam ng subrang antok. Napatigil ako sa paghakbang. Namimigat ang talukap ng aking mga mata. Anong nangyayari sakin? Bakit bigla na lang akong inantok? Napaluhod ako, hindi ko kayang labanan ang antok na biglang sumukob sakin
Napatingin ako sa yang square, medyo malabo na ang paningin ko. May lalakeng naglalakad palapit sa direksyon ng yang square. Malabo, hindi ko makita ang kanyang itsura. Kinuha niya ang yang square. Sino siya? Siya ba ang may kagagawan nito kaya ako nakaramdam ng antok Nakita ko siyang tumalikod at bumagsak ako sa sahig...
*** SHERO'S POINT OF VIEW ***
Mahigpit ang yakap ni Tristan sakin. Napapikit ako at dinama ang kanyang bisig. Naramdaman kong umaangat kami sa ere, pataas ng pataas. Huminto... Dumilat ako at nasilayan ko ang mataas na bahagi ng kastilyo. Isang sirang tore.
Lumapag kami ni Tristan at nagkatitigan. Napaatras ako palayo ng kunti sa kanya. Parang walang boses ang gustong lumabas sa aking bibig. Bakit ganito ang kilos ko? Parang naninibago ako sa kung anong meron kami ni Tristan ngayon. Para kaming mga estranghero, walang may gustong magsalita.
Kinakabahan ako pero at the same time ay masaya dahil niligtas ako ni Tristan. Kung ganun totoo ngang mahalaga ako sa kanya o baka naman nagkataon lang na narun siya at nakita akong nahuhulog kaya niligtas niya ko?
Bahala na nga, kung ano man ang dahilan niya at niligtas niya ko dapat pa rin akong magpasalamat. Humakbang ako palapit kay Tristan. Magpapasalamat ako sa kanya. Tumigil ako sa harapan niya. Nakapako ang aming mata sa isa't-isa. Blanko ang mga ekspresyon. Ilang araw lang kaming hindi nagkausap pero parang hindi na kami ngayon magkakilala.
"Sa-salamat sa pagligtas mo sakin... Tanggapin mo to..." Mahinang sabi ko sabay angat sa aking kanang kamay. Binuka ko ang aking palad at lumantad ang yang square.
Bilang pasasalamat sa kanya ibibigay ko na lang itong yang square na nakita ko. Masdeserving naman si Tristan na manalo kesa sakin. Inabot ni Tristan ang kamay ko at isinarado iyon tanda na ayaw niyang tanggapin ang bigay ko. Binaba ko ang aking mga kamay.
Nagtataka ako kung bakit ayaw niyang tanggapin ang bigay ko samantalang ito ang gustong makuha ng lahat ng manlalaro. Tinaas ni Tristan ang kanyang kaliwang kamay at hinawakan ako sa mukha, napatigil ako sa paghinga.
Nakita kong nilapit ni Tristan ang mukha sakin. Napapikit ako ng mata ng magtagpo ang mga labi namin. Hinahalikan ako ni Tristan. Banayad at puno ng pag-iingat ang kanyang halik pero narun ang pananabik. Tumugon ako sa kanyang halik. Ang sarap ng labi ni Tristan ng bigla akong natigilan.
Lumayo ako kay Tristan, naalala kong nakamonitor samin si prop Goldfield at si mr.Gumban at kung tama ako meron pang iba bukod sa kanila ang nanonood samin ngayon. Hindi kami pwedeng maghalikan dito.
Hindi nagsalita si Tristan at mabilis itong tumalikod, tumakbo ito at tumalon sa labas ng tore. Sana naintindihan niya kung bakit ako lumayo, hindi kami pwedeng maghalikan dito na parang kaming dalawa lang.
Haist..! Naguguluhan ako sa kanya, pabago-bago siya ng mood. Hindi ko alam kung pano ko siya epeplease. Ang hirap niyang basahin.
Kumilos ako at humarap sa pintuan ng bigla akong napatigil. Merong nakaharang sa pintuan, si Uno.
Nakita ko siyang ngumiti at pumalakpak. "Ang sweet..." Sabi nito. "Kung ayaw niyang tanggapin ang bigay mo, sa akin mo na lang ibigay."
Pasimpli kong pinasok sa aking bulsa ang yang square. "Hindi ko ito ibibigay sayo." Sabi ko. Ang lakas ng tama niya, ano siya sineswerte?
"Kung hindi mo ibibigay sakin, kukunin ko na lang sayo ng sapilitan." Sabi nito at lalong lumuwang ang ngiti.
"Subukan mo." Hamon ko sa kanya.
Nakita ko siyang gumalaw at bigla ay nagpalit ng anyo. Naging isang malaking berdeng ahas. Kung ganun siya pala ang nakalaban ko kanina. Naalala ko, sabi ni Alexis ang lalakeng ito ay isang animal shifter. Kung ganun lahat ng uri ng hayop ay kaya niyang gayahin.