YYU - Chapter 42: Ice Mountain
*** TRAVIS' POINT OF VIEW ***
Ilang minuto na akong naglalakad habang sinusundan ang daan na tinuturo ng laser map patungo sa port gate, nasa underground ito ng kastilyo. Malapit na ko, mga 35 metro na lang. Baka ako ang kauna-unahang manlalaro na makakalabas kung sakali. Kinakabahan ako at excited. Binilisan ko ang paglalakad at halos takbuhin ko na.
Napatigil ako sa paghakbang at mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang portgate na kulay asul. Nakadikit ito sa dingding, mga sampung metro ang layo ko dito.
Napakunot ako ng noo at bigla akong nakaramdam ng kaba. May isang babaeng manlalaro ang nakatayo sa tapat ng port gate. Nakasuot siya ng all black na combat costume, yung parang ninja. Sino ang babaeng ito? Nakita ko siyang ngumiti. Pinagmasdan ko siyang mabuti, wala siyang hawak na ying-yang square, pano niya natagpuan itong port gate?
Meron siyang hawak sa kanyang kanang kamay, isang pocket watch na kulay silver. Para saan kaya iyon? Napakamisteryusa ng dating ng babaeng ito. Anong pinaplano niya? Kinabahan, baka agawin ng babaeng ito ang ying-yang square na hawak ko. Pero hindi ko siya hahayaan.
Nakakainis, bakit nakaharang siya sa port gate?
Tumingin ako sa mukha ng babae. Maslalong lumuwang ang ngiti nito at nakita kong itinaas nito ang kaliwa niyang kamay, ang yin-yang square.
Yin-yang square? Sandali... Nasan yung sakin? Anong nangyari? bakit wala na sa kamay ko ang yin-yang square? Bakit napunta ito sa babaeng iyon na hindi ko man lang napansin? Ni hindi ako kumurap habang nakatitig sa kanya, bigla na lang ito napunta sa babaeng iyon. Kainis, anong ginawa niya? Ano ang kapangyarihan niya?
*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***
Kasalukuyan akong nasa isang silid ng kastilyo. Nakatayo at iniisip ang ginawa kong paghalik kay Shero. Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina. Siguro dahil masyado ko siyang namiss. Asar! Nakalimutan kong nakamonitor pala samin sina prop Goldfield. Wala naman akong pakialam sa kung anong magiging reaksyon nila kaso baka magalit sakin si Shero dahil sa ginawa kong iyon.
Hindi ko na muna iisipin yun, pagtutuunan ko muna ng pansin ang paghanap sa yang square. Mabuti at meron ng yang square si Shero, ang kelangan niya na lang gawin ngayon ay ingatan ito at hanapin ang port gate gamit iyon.
Inikot ko ang aking paningin sa buong silid na kinaroroonan ko. Malapad ang silid na ito at mataas ang ceiling. Merong anim na malalaking bintana at dalawang pinto na ang isa ay nakakonekta sa balkonahe kung saan ako dumaan at ang isa naman ay nakakonekta sa hallway sa loob ng kastilyo.
Napalingon ako sa isang bintana, tuluyan ng lumubog ang araw. Mabilis na pinalitan ito ng malaki at bilog na buwan. Sa nakikita ko parang subrang lapit ng buwan sa kastilyong ito, parang ilang milya lang ang layo nito. Dahil sa bilog na buwan kung kaya maliwanag pa rin ang paligid kahit gabi na.
Napabuntong hininga ako, bakit parang biglang lumamig ang paligid? Humakbang ako papalapit sa pintuan ng balkonahe at lumabas. Sinuri ko ang kapaligiran. Napaangat ang aking ulo sa kalangitan. Nyebe? Tama, kaya pala malamig dahil umuulan ng nyebe. Kung ganun kapag araw, ang kastilyong ito ay parang nasa desyertong bundok samantalang pagdating ng gabi ay parang nasa ice mountain naman ito.
Napayakap ako sa aking sarili ng biglang umihip ang hangin. Sheeet ang lamig! Ang bilis naman yatang bumagsak ng temperatura dito. Umuusok na ang hininga ko dahil sa lamig.
Tumalikod ako para bumalik sa loob ng silid ng biglang may tumangay sakin sa ere. Dinagit ako ng isang malaking ibon na kulay puti. Mahigpit ang pagkakapit ng mga paa nito sa balikat ko. Napatingin ako sa kastilyong unti-unti ng lumiliit sa paningin ko dahil pataas ng pataas ang lipad ng puting ibon. Anong gagawin ko?
Pataas ng paatas ang lipad ng puting ibon, san niya ko balak dalhin? Sa buwan? Bwesit na ibon na to. Bigla itong tumigil at humuni, maya-maya'y may dumating na dalawa pang malalaking puting ibon. Magkaharap silang tatlo at parang nag-uusap. Nagsimula akong magpumiglas, kelangan kong makawala sa mga kuko ng ibon na to.
Nang bigla na lang patapon akong pinasa ng ibon sa isang kasama niya. Akala ko sasaluhin ako nito pero nagkamali ako dahil isang malakas na head slam ang ginawa nito sakin. Tinamaan ako sa dibdib at naramdaman kong mahuhulog ako pero nakaabang na pala sa baba ang isa pang ibon at dinagit ako. Lumipad ito ng mataas at sabay bitaw sakin.
"Ahh!!" napasigaw ako at isang head slam na naman ang tumama sa likod ko. Kaasar! Para nila akong ginagawang prey, pinaglalaruan muna bago kainin. Sinalo na naman ako ng isang ibon. Tumingin ako sa baba, masyadong mataas ang kinaroroonan namin. Kelangan ko ng gumawa ng paraan bago pa mahinog ang katawan ko sa ginagawa ng tatlong ibon na to.
Tama nang paglalaro na to! Tinutok ko ang aking mga kamay sa baba at pinakawalan ko ang aking mana. Kung sa paglilivitate ginagamit ko ang reverse mana para sa anti-gravity ito naman ang kabaligtaran. Gravity Force Pull naman ito kung saan ang gravity ay hihilahin ako pabalik sa lupa na parang magnet. Pero hindi ko lang alam kong kaya kung gawin ito dahil masyadong mataas ang kinaroroonan ko at isang beses ko lang itong nagawa nung sinanay ako ni Mr.Gumban.
Nararamdaman ko ang pwersa ng gravity, gumagana nga. Nararamadaman kong hinihila ang katawan ko pababa. Asar! Lumalaban ang ibon na may hawak sa balikat ko.
"Ahhhhhh!!!!" Sigaw ko at dinamihan ko ang pagpapalabas ng mana sa aking mga kamay para masmalakas at mabilis akong hatakin ng gravity pababa.
*** ALEXIS' POINT OF VIEW ***
Hindi maganda itong nangyayari, hindi umaayon ang paligid sa kapangyarihan ko. Hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko sa mga pangit na mga halimaw na to, kelangan kong makipaglaban sa kanila ng manu-mano. Kakaasar naman! Meron silang mga espada, pano ko sila malalabanan nito?
Napalingon ako kay Jeneya, ang babaeng manlalaro na may kakayahang magpalabas ng samuray sa kanyang mga palad. "Jeneya, kelangan ko ng samuray." Tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sakin at walang sabi-sabing initsa nito ang hawak na samuray. "Salamat." Sabi ko at hinanda ko ang aking sarili.
Sandali akong natigilan at napalingon kay Tonique. Nasa likod lang namin siya at nakatayo, nag-aabang. Mukhang wala siyang planong tulungan kami. Ano siya? Audience? Tagapanood lang habang kami nakikipaglaban? Ang gwapo sana ng lalakeng to kaso duwag. Nakakaturn off, crush ko pa naman siya.
"Baka gusto mo kaming tulungan?" Agaw pansin ko kay Toniuqe.
Lumingon siya sakin at ngumiti. "Kaya niyo na yan." Tugon nito.
What? At talagang iyon ang tugon niya sakin. Nakakaasar ang lalakeng to. "Ok, enjoy watching na lang. " Sabi ko at sinugod ang dalawang halimaw na papalapit.
Nagsimula na ang labanan, apat kami laban sa sangkaterbang mga halimaw, samantala pinandigan naman ni Tonique ang pagtayo sa likod at nanood lang. Hindi ako sanay gumamit ng espada pero sa gaan nitong samuray ay parang isa akong pro swords warrior.
Ilang sandali pa at...
Sandali lang, bakit parang hindi nauubos ang mga halimaw na to? Marami na kaming pinabagsak pero parang hindi sila nauubos.
"Hindi sila namamatay! Bumabalik sila!" Sigaw ng lalaking manlalaro na may kapangyarihang magpalaki ng mga bisig, may hawak itong espada na galing sa mga kalaban naming halimaw.
Hindi sila namamatay? Kung ganun pano namin sila tatalunin?
"Ponteryahin niyo ang kanilang puso, ito ang kanilang kahinaan." Malakas na sabi ni Tonique.
Sigurado siya? Pano niya nalaman? Sige susubukan ko, baka tama ang Tonique na to. Nakikipag-espadahan ako sa isang halimaw, napaatras ako at mabilis na tinusok ang samuray sa tapat ng puso ng halimaw. Bigla itong sumabog na para bang puno ng tubig ang katawan.
"Tama si Toniique!" Sigaw ko para marinig ng tatlo.
At pinunterya nga namin ang puso ng mga halimaw, sunod-sunod na nagsiputukan ang mga halimaw na parang mga lubo na merong laman ng tubig. Pakunti sila ng pakunti hanggang sa naubos silang lahat.
Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko tapos na pero biglang lumindol at isang malaking halimaw ang lumabas. Isang heganteng octupos, ito siguro ang master. Napaatras kaming lahat.
"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko. Walang may sumagot at nakatingin lang kami sa dambuhalang octupos.
Kung ok lang sana magpalabas ng kidlat gagawin ko para matusta ang octupos na to. Pero hindi pwede dahil ga-ground ang tubig at lahat kami ay makukuryente. Nagsimulang gumalaw ang dambuhalang octupos at patungo sa direksyon namin ang kanyang mga galamay.
"Takbo!!!" Malakas na sigaw ko. Tumakbo kami, hiwa-hiwalay. Pabilisan na lang ng takbo para hindi kami mahuli. Parang nagmamarathon lang kami. Walang lingon-lingon lahat nasa harapan ang mga mata.
"Ahhhhhhhhhh!!!" Sigaw ng lalakeng manlalaro na may kapangyarihang magpalabas ng pisi sa kamay. Nahuli siya, apat na lang kami tumatakbo.
"Ahhhhh!!"
"Ahhhhhhhh!!!"
"Ahhhhh!!"
Ayun at nahuli na rin sina Tonique. Ako na lang ang natira, patuloy pa rin ako sa pagtakbo, hindi ko alam na pwede pala akong maging runner dahil sa bilis kong tumakbo. Sandali... Bakit pala ako tumatakbo kung mamahuhuli rin lang naman ako mamaya ng dambuhalang ito? Pinapagod ko lang ang sarili ko.
Huminto ako at humarap sa paparating na octupos. "Ok, sige hulihin mo ko." Sabi ko at tinaas ko ang aking mga kamay bilang tanda ng aking pagsuko, sa kabila kong kamay ay mahigpit ko naman hinahawakan ang samuray. Meron na akong naiisip na plano para sa dambuhalang octupos na to.
Mabilis na pumalupot sa katawan ko ang nakakadiring galamay ng octupos. Ewwww!! Napakaslimy. Inangat ako ng galamay at nilapit sa katawan niya. Magkakatabi lang kaming lima nina Tonique at ng tatlo pa.
"Guys meron na akong plano, pero pasensya na... Kelangan niyong magtiis saglit para matalo ang dambuhalang ito." Sabi ko.
"Anong binabalak mo?" Nagtatakang tanong ni Tonique.
Hindi ako sumagot at pinakawalan ko ang kuryente sa buo kong katawan. Dahil dito nakuryente ang octupos pati na sina Tonique. Nabitawan kami ng dambuhala. Bumagsak ako sa katawan nito, mabilis akong kumilos, pinadaloy ko ang kuryente sa hawak kong samuray at tinaga ko sa katawan ang octupos.
Malaki ang ginawa kong sugat sa katawan nito para makadaan ako. Nakakadiri pero wala na akong choice, kelangan kong pumasok sa katawan nito at wasakin ang kanyang puso. Sa tingin ko katulad sa mga halimaw kanina, ang puso rin ng octupos na ito ang kanyang kahinaan. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na ako sa loob ng katawan nito.
Yuck nakakadiri! Subrang lansa ang naaamoy ko. Madulas at basa ang loob. Pinadaloy ko ang kuryente sa samuray para lumiwanag ang paligid. maliwanag na, humakbang ako, at sa taas na bahagi ay nakita ko ang nakabitin na parang bola na kulay maroon.
Iyon na siguro ang puso ng dambuhalang octupos na to. Ang tanong, pano ko maaabot iyon?
Alam ko na! Mabilis kong Tinusok ang hawak kong samuray sa laman-loob ng octupos at pinakawalan ko ang malakas na kuryente sa aking mga kamay habang nakahawak sa samuray. Lulutuin ko ang octupos na ito. Hindi ako tumigil sa pagpapalabas ng kuryente sa mga kamay ko hanggang sa naramdaman kong gumalaw ang dambuhala. Kelangan ko siyang mapabagsak, kapag nangyari yun ay maaabot ko na ang kanyang puso na walang kahirap-hirap.
At biglang parang lumindol sa loob, napatigil ako sa aking ginagawa dahil nagslide ako. Mukhang natumba na itong dambuhala. Ayun! Ang kanyang puso nasa mababa na ito. Dinampot ko ang samuray at tinakbo ang puso ng octupos. Kelangan ko itong chop-chopin bago pa siya makabangon.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis kong hinati sa gitna ang puso ng octupos na parang bola ng basketball ang laki. Gumalaw ang paligid at sumubog, para akong binuhusan ng malansang tubig. Yuck, nakakadiri na talaga!
Nakita ko sina Tonique at ang tatlo pa, nakatingin sila sakin at parang nandidiri. Inirapan ko lang sila at sabay kaming lahat napatingin sa yang square na iniwan ng dambuhalang octupos.