YYU - Chapter 43: Grandeline, Travis and Karrice

 



*** GRANDELINE'S POINT OF VIEW ***



Pumasok ako sa pang anim na pinto. Walang laman ang silid maliban sa isang malaking sulo na nasa pinakagitnang bahagi ng sahig, parang kasing tankad ko ito. Inikot ko ang aking paningin, walang mga bintana. Binalingan ko ang pinto kung saan ako pumasok para lumabas ng bigla itong naglaho na parang bula.



Napatingin ako sa apoy ng sulo ng bigla itong lumaki at nagkaroon ng porma. Naging hugis tao ang apoy sa sulo, isang halimaw na apoy. Tumalon ang apoy na halimaw sa harapan ko, napaatras ako. Nararamdaman ko ang init na nagmumula sa kanya.



Nakaramdam ako ng kaba. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.



Papalapit sakin ang apoy na halimaw, mabilis kong tinutok sa sahig ang aking mga kamay at nagpalabas ng malalaking baging para atakihin ang apoy na halimaw. Pumalupot sa katawan ng apoy na halimaw ang mga baging at nakita kong unti-unting natutuyo ang mga baging at biglang umapoy.



Hindi maganda ito, pano ko matatalo ang halimaw na ito kung masusunog lang din ang mga halaman na aatake sa kanya?



Tumakbo ako sa isang sulok malayo sa apoy na halimaw nang bigla akong tumilapon sa sahig dahil tinamaan ako ng bolang apoy sa likod. Ramdam ko ang hapdi ng balat ko sa likuran, napaso ako. Mabilis akong tumayo, naglalakad papalapit sakin ang halimaw.



Pano ko siya tatalunin? Wala akong maisip, hindi ko siya matatalo. Walang tyansa na manalo ako sa halimaw na ito. Siguro kelangan ko na lang tumakas palabas sa silid na ito pero saan ako lalabas? Naglaho ang pintuan ng silid.



Kelangan kong sirain ang mga dingding ng silid para makagawa ng lagusan. Tinutok ko ang aking kamay sa sahig at nagpatubo ng marami at malalaking puno. Lumabas ang malalaking katawan ng puno sa sahig at tumama ang dulo ng mga ito sa pader pero nagulat ako dahil hindi nasira ang mga pader.



Napatingin ako sa apoy na halimaw at sabay na gumulong sa sahig dahil binato ako nito ng bolang apoy. Hindi ako natamaan.



Kainis! Ano ang kahinaan ng halimaw na ito?



Pinaulanan ako ng sunod-sunod ng bolang apoy ng halimaw, mabilis akong tumakbo para iwasan ang mga iyon. Ginamit ko ang aking kapangyarihan at nagpalabas ng sari-saring puno at halaman sa loob ng silid. Parang naging sanctuary ang buong paligid, parang naging gubat. Nagtago ako sa likod ng isang puno at pigil ang aking hininga.



Kaasar kailangan ko na siyang matalo, nararamdaman kong humihina na na ang aking mana dahil sa subrang paggamit ko ng aking kapangyarihan. Isang gubat ba naman kasi ang ginawa ko sa buong silid na ito. Kailangang matalo ko ang halimaw na ito bago pa maubos ang mana ko sa katawan.



Sumilip ako sa puno at nakita ko ang halimaw na nasa kabilang sulok, hinahanap ako nito. Paupo akong kumubli ulit. Napasinghot ako, amoy sunog. Sinilip ko ulit ang halimaw, sheeetttttt! Sinusunog nito ang mga puno at halaman na pinatubo ko silid. Kapag kumalat ang apoy siguradong  kasama akong masusunog.



Lumabas ako sa pinakukublian ko at nagpalabas ng malaking puno sa sahig sa harapan ng halimaw, natamaan ang halimaw at tumilapon ito pero mabilis itong tumayo at binato ako ng bolang apoy ng sunod-sunod. Umilag ako, nagsimulang masunog ang mga halaman na nasa likuran ko dahil ito ang natamaan ng mga bolang apoy.



Tumakbo ako palayo at napadpad sa gitna ng silid, kumakalat na ang apoy at usok sa paligid. Hindi maganda itong nangyayari, walang butas ang silid na to kaya hindi makakalabas ang usok, masusuffocate ako nito.



Natumba ako sa sahig ng biglang tumama saking balikat ang bola ng apoy, mabilis ang pagtama nito kaya hindi ko nailagan. Sunog ang balikat ko, mahapdi. Nakita kong bumato ulit ang halimaw ng magkakasunod na bolang apoy, gumulong ako sa sahig kaya hindi ako natamaan.



Mabilis akong tumayo, umatake ulit ang apoy na halimaw. Tumakbo ako sa likod ng malaking sulo kung saan nanggaling ang apoy na halimaw kanina. Tinamaan ang katawan ng malaking katawan ng sulo, may napansin akong kakaiba dito. Nung tinamaan ng bolang apoy ang malaking sulo ay parang nagspark ito.



Hindi kaya dito ko mahahanap ang kahinaan ng apoy na halimaw na ito? Sisirain ko ang sulo na ito. Tinutok ko ang aking mga kamay sa sahig malapit sa katawan ng sulo para magpalabas ng malalaking puno para masira ito ng bigla akong humandusay sa sahig. Tinamaan ako ng sunod-sunod na mga bolang apoy sa katawan.



Nakaramdam na ako ng panghihina, paubos na ang mana ko at idagdag pa ang init at usok sa paligid. Hindi pa ako nakabangon ng mabilis na nakalapit ang apoy na halimaw sakin. Hinawakan ako nito sa leeg at inangat sa ere, naramdaman ko ang subrang init niya pero hindi ako nasusunog o napapaso man lang. Nasasakal ako at bigla niya akong hinagis.



Tumama ako sa katawan ng malaking puno at bumagsak sa sahig. Kelangan kong masira ang katawan ng sulo kung saan lumabas ang apoy na halimaw. Lumapit sakin ulit ang apoy na halimaw at sinakal na naman ako at binitin sa ere. Nakaharap ako sa katawan ng malaking sulo, ito na ang oras para sirain iyon.



Habang hirap ako sa paghinga dahil sa pagkakasakal ng halimaw ay tinutok ko ang aking mga kamay sa sahig na malapit sa malaking sulo. Ginamit ko ang aking kapangyarihan at nagpalabas ng maraming baging at pumulupot iyon sa katawan ng malaking sulo. Sunod ay nagpalabas ako ng mga puno sa sahig na merong matutulis na dulo, nakapalibot ang mga iyon sa kinatatayuan ng malaking sulo. Tumama ang matutulis na dulo ng mga puno sa katawan ng malaking sulo na dahilan para masira at sumabog ito.



Bumagsak ako sa sahig dahil nabitawan ako ng apoy na halimaw. Nakita kong nagsimulang mawala ang apoy nito sa katawan, una ay naglaho ang apoy nito sa kaliwang paa, natumba ito pagkatapos ay nawala ang apoy nito sa kanang kamay, pagkatapos ay biglang sumabog ito at naiwan ang maitim na abo nito.



Tumayo ako na nakatutok pa rin ang mga mata sa itim na abo na umuusok pa.  At biglang tumambad sa aking paningin ang yang square. Paika-ika akong lumapit dito at dinampot iyon. Napalingon ako sa pader, unti-unting lumilitaw ang pinto roon...




 *** TRAVIS' POINT OF VIEW ***



Ano ang kapangyarihan ng babaeng ito? Pano niya nakuha sakin ang ying-yang square na hindi ko man lang napansin? Ni hindi ko siya nakitang gumalaw. 



"Nagtataka ka siguro kung pano ko nakuha sayo to? Travis?" Umalingawngaw ang boses ng babae sa katahimikan ng paligid. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Nakakainis ang babaeng to!



Kilala niya ko pero hindi ko siya kilala, siguro isa siyang junior student. 



Dapat kung mabawi ang yin-yang square, para sa akin iyon at hindi para sa kanya. "Sino ka? Ibalik mo sakin yan!" Malakas na bigkas ko.



"Ang pangalan ko ay Karrice Lockster." Pagpapakilala nito sa sarili. "Huwag kang mag-alala ibibigay ko sayo to, sa isang kondisyon..." Sabi nito at ngumiti ng nakakaluko.



Napipikon na ko sa kanya, pinaghirapan ko ang yin-yang square na yun. "Anong kondisyun?" Tanong ko.



"Isusuli ko sayo to at tutulungan ko ang isa sa mga kaibigan mu dito sa match kung masasagot mo ang tanong ko, pero kapag hindi... Sa akin nato, deal?." Sabi nito at hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti.



May deal pa siyang nalalaman, pano kung hindi ko masagot ang tanong niya eh di babye sa yin-yang square ko? At seryuso ba siya sa sinasabi niyang tutulungan niya ang isa sa mga kaibigan ko? Haist! Pero mukhang wala naman akong choice kundi ang umuo sa kanyang gusto. Ano naman kaya ang itatanong ng Karrice  na to?



"Sige payag ako, ilang katanungan ba? Riddle ba ito?" Sabi ko na nakatingin sa kanya.



"Isang tanong lang kaya dapat hindi ka magkamali sa isasagot mo. Hindi riddle ang itatanong ko sayo."  Sagot nito at itinaas ang hawak na yin-yang square at pinagmasdan ang laser map. Pano kaya kung agawin ko sa kanya yun total kaya ko namang magteleport para makatakas?



"Kung hindi riddle, anong klaseng tanong kung ganun?" Tanong ko.



Binalingan ako ng babae. "Pssshhhhhh..." Sabi nito. "Simpli lang ang tanong ko." 



Nakakainis na ang babaeng to, pinapatagalan pa. "Sige, magtanong ka na para matapos na to!" Inis na sabi ko.



Ngumiti siya. "Sige, ito ang tanong ko... Ano ang kapangyarihan na taglay ko. Bibigyan kita ng sampung minuto para masagot ang tanong ko. Your time starts now!" Sabi nito at itinaas ang hawak na pocket watch.



"Sandali wala bang clue?" Mabilis na tanong ko.



"Meron, isipin mo na lang mabuti kung pano ko nakuha sayo ang yin-yang square na ito ng hindi mo nalalaman." Tugon nito.



Kainis, anong klaseng clue yun? Binigyan pa niya ko ng ultimatum para sa katanungan niya. Kung hindi lang siya babae baka nasuntok ko na siya.



Pano nga ba niya nakuha sakin ang yin-yang square ng hindi o namamalayan? Isip-isip...  Anong kapangyarihan niya? Hindi kaya yung kakayahan niya ay magpateleport ng mga bagay-bagay kaya napunta sa kanya ang yin-yang square ko? Pero hindi eh... Kasi dapat naramdaman ko sana ang paglaho ng yin-ysang square sa kamay ko kung object teleportation ang kapangyarihan niya.



Nakatitig lang ako sa babae samantalang siya naman ay nakatingin sa hawak niyang pocket watch. Tumatakbo ang oras, wala pa rin akong maisip na sagot.



Sandali... Oras? Tama, alam ko na ang kapangyarihan niya!



Sigurado na ako sa aking isasagot, hindi ako pwedeng magkamali. Hihintayin ko na lang na sasabihin niyang malapit na ang oras saka ko siya sasagutin.



Tahimik lang ako habang hinihintay na maubos ang sampung minuto. Kahit alam ko na ang sagot ay ramdam ko pa rin ang kaba sa aking dibdib, pigil ang aking hininga.



Lumingon sa akin si Karrice at ngumiti. "30 seconds left." Paalala nito.



Huminga ako ng malalim at... "Isa kang time stopper!" Malakas na sabi ko, umecho ang boses ko sa buong paligid.



Nakita kong lumuwang ang pagkakangiti nito. "Correct!" Sigaw nito at parang tuwang-tuwa na tama ang sagot ko.



"Ngayon isuli mo na sakin yan." Sabi ko. Nalaman kong isa siyang time stopper dahil sa dala niyang pocket watch at kaya hindi ko namalayan o napansin na nakuha niya ang yin-yang square ko ay dahil pinatigil niya ang oras at saka niya ito kinuha sakin.



"Ok." Nakangiting tugon nito at naglakad palapit sakin. Nang makalapit na siya sakin ng tuluyan ay inabot niya sakin ang yin-yang square.



"Salamat." Sabi ko na nakakunot ang noo. Anong meron sa babae na ito at kinuha-kuha niya sakin ang yin-yang square at isusuli rin pala? Ang lakas rin ng trip niya, pero kung sa bagay mabuti at nasagot ko siya ng tama dahil kung hindi siguradong byebye yin-yang square.



"Ngayon sabihin mo sakin kung sino sa mga kaibigan mo ang gusto mong tulungan ko na manalo sa match na ito." Sabi nito.



Sandali akong nag-isip, sino nga ba sa kanila? Si Alexis? Si Fildon? Si Grandeline? Si Tonique? Si Tristan o si Shero?



Nagsalita ako. "Gusto kong tulungan mong manalo sa match si..."


Continue Chapter 44