YYU - Chapter 44: Doubt
*** SHERO'S POINT OF VIEW ***
Napalingon ako sa kanluran at nakita ko ang tuluyang paglubog ng araw na agad namang pinalitan ng malaki at bilog na buwan. Nakatunghay ang buwan sa lumang kastilyo, para bang sinadyang gawin ito para magbigay ng liwanag sa paligid sa pagsapit ng dilim. Napansin ko ring biglang lumamig ang paligid, nanonoot sa balat ang malamig na dampi ng hangin. At napaangat ako ng ulo sa kalangitan at nakita ko ang pagbagsak ng nyebe. Umuulan ng nyebe.
Bumalik ang pansin ko sa malaking ahas na nasa harapan ko, si Uno. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito dahil nababalot na ng lamig ang paligid at kapag tumagal pa ko dito ay baka manigas ako sa lamig. Isangbuntong hininga ang pinakawalan ko at nakita ko ang usok na lumabas sa bibig ko.
Ayaw talaga akong tantanan ng Uno na 'to. Nakakaasar siya, pinaghirapan ko tong yang square pagkatapos aagawin niya lang sakin. Nakapako ang mga mata ko sa malaking ulo niya, lumalabas ang dila niya at matalim ang tingin ng mga mata sakin. Lalabanan kitang ahas ka! Mabilis kong itinaas ang aking mga kamay para gamitin ang blood manipulation sa kanya ng bigla akong tumilapon sa sahig dahil mabilis niya akong hinampas gamit ang malaki at mahaba niyang buntot.
Kaasar!
Agad akong bumangon. Sapo at ramdam ko ang sakit sa kanang braso ko, hindi ko ito magalaw. Mukhang nabalian yata ako. Pano na ngayon to, hindi ko magagamit ng sabay ang dalawang kamay ko para labanan ang ahas na Uno na to.
Napaatras ako ng bahagya ng biglang umiba ang anyo ni Uno. Mula sa pagiging ahas ay naging isang malaking leon ito. Isang itim na leon. Nakalabas ang pangil niya, habang dahang-dahang lumalapit sakin. Pasimpli akong lumingon sa aking likuran, walang harang sa likod ko dahil sira ang bahaging ito ng terasa.
Mukhang mauulit na naman ang nangyari kanina, kapag hindi ako nakagawa ng paraan siguradong pupulutin ako sa mabatong lupa sa baba. Pinadaloy ko ang aking mana sa aking kaliwang kamay, kailangan kong mataboy ang Uno na to para makapasok ako sa loob ng kastilyo.
Mabilis kong tinutok ang aking kamay kay Uno na isang itim na leon at ginamit ang blood manipulation, agad siyang tumilapon at tumama sa harang sa kabilang parte ng terasa. Tumakbo ako sa pintuan papasok sa kastilyo ng bigla akong bumagsak sa malamig na sahig.
Nahuli ako ni Uno, nilundagan niya ko kaya ako bumagsak. Nakadapa ako sa sahig na unti-unti ng nagyeyelo. Inaapakan ako ng dalawang paa niya sa unahan, ramdam ko ang bigat at pwersa ng mga paa niya.
"Ahhhhhh!!!!" Isang sigaw ang pinakawalan ko ng maramdaman ko ang sakit sa aking likod. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbaon ng mga kuko ni Uno sa likod ko. "Ahhhhh!! Huwag!!! Tamaa naaa!!" Sigaw ko, alam ko sa mga sandaling iyon lumalabas na ang dugo ko mula sa sugat na nilikha ni Uno sa likod ko pero wala akong magawa dahil hindi ako makagalaw. Nasa ilalim ako ng mga paa ng itim na leon na si Uno.
Wala akong magawa, hindi ko matulungan ang sarilli ko. Binalot ng takot ang buong sistema ko. Akala ko kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko, akala ko malakas na ko pero hindi pala. Isa pa rin akong mahina, ako pa rin ang mahinang si Shero. Isa lang akong kawawa at mahinang manlalaro kung ikukumpara sa kanilang lahat. Bakit ako nasali dito?
Tinitiis ko ang sakit na dulot ng pagbaon ng mga kuko ni Uno sa likod ko, bagay lang ito sakin dahil isa akong mahina, isang lampa. Mahina ka Shero! Hindi ka dapat naririto! Isa kang mahinang night keeper! Isa kang inutil! Wala kang karapatang maging isang night keeper o maging isang crimson. Bumalik ka na sa pagiging grey, isang grey na walang silbi! Sigaw ng aking isipan.
Tama nga, wala akong karapatang maging night keeper dahil isa akong mahinang guardian...
Napatigil ako sa pag-iisip ng may mapansin ako, ang mga nyebe... Bakit hindi gumagalaw ang mga ito? Nakalutang lang ang mga ito sa hangin at hindi bumabagsak. Hindi ko na rin nararamdaman ang pagbaon ng mga kuko ni Uno sa likod ko. Ang buong paligid parang huminto... Anong nangyayari? Huminto ba ang oras? Tama, huminto nga ang pagtakbo ng oras.
Napaangat ako ng ulo at isang babaeng nakasuot ng itim na combat costume ang nakita kong naglalakad palabas ng pintuan galing sa loob ng kastilyo. Nakita ko siyang ngumiti. Sino siya? Siya ba ang nagpahinto sa oras? Narito ba siya para agawin sakin ang yang square na nakita ko?
Mabilis na lumapit sakin ang babae at walang sali-salitang tinulungan ako nitong makaalis sa pagkakaapak ni Uno. Agad niya akong hinila sa kaliwang kamay papasok sa loob kastilyo palayo sa terasa, palayo kay Uno. Pumasok kami sa isang silid. Lumapit ang babae sa bintana, sumunod ako sa kanya at nakita kong gumagalaw na ang mga nyebe. Tumatakbo na ulit ang oras.
"Salamat..." Sabi ko na nakatingin sa labas ng bintana.
Binalingan ako ng babae pero hindi ko siya tinignan. "Walang ano man..." Tugon nito.
Dinukot ko sa aking bulsa ang yang square, binalingan ko ang babae at inabot ito sa kanya. "Sayo nato, tanggapin mo bilang pasasalamat ko."
Umiling ang babae habang nakatingin sakin. "Para sayo yan." Ngumiti ito.
"Hindi ito para sakin. Isa akong mahinang night keeper, isang inutil. Wala akong karapatang manalo sa match na ito." Mahinang sabi ko sabay bitaw sa yang square na aking hawak. Bumagsak ito sa sahig malapit sa paanan ng babae.
Naglaho ang ngiti ng babae, yumuko ito para kunin ang yang square. Tumalikod naman ako sa kanya para umalis.
Hindi ko alam pero subrang lunkot ko. Masakit ang katutuhanan pero kailangan tanggapin, isa akong mahina, inutil at lampa. Wala akong karapatang manalo. Wala akong karapatang maging isang night keeper o kahit mapabilang man lang sa crimson. Ako si Shero, ang mahinang si Shero na isang grey. Hindi ako dapat naririto...
Tama na sa kahibangan Shero, hindi ka nababagay sa crimson, wala kang karapatang maging night keeper at higit sa lahat wala kang karapatang manalo sa match na ito. Iyang ang isaksak mo sa isipan mo.
"Sandali..." Tawag ng babae.
Napahinto ako sa paglakad, lumapit sakin ang babae at humarap. Hindi ako nagsalita, nakatanaw lang ako sa kanya at naghihintay ng kanyang sasabihin.
"Tinulungan kita dahil kay Travis..." Isang buntong hininga ang pinakawalan nito.
"Si Travis?" Usal ko.
Tumango siya. "Shero hindi dahil sa iniisip mo na mahina ka ay wala ka ng karapatang manalo, hindi batayan ang lakas dito. Ang batayan sa match na ito ay ang pagpoporsige, at ang tiwala sa sariling kakayanan. Kung iniisip mong isa kang inutil dahil kahit sarili mo ay hindi mo matulungan pwes nagkakamali ka, hindi basihan iyon. Wala ka bang tiwala sayong sarili? Sa taglay mong kakayahan?"
Hindi ako umimik.
"Hindi ka mahina, malakas ka. Ang kelangan mo lang ay tiwala sa sarili at sa kakayahan mo. Kung naniniwala sayo ang ibang tao katulad ni Travis, bakit ikaw hindi mo maibigay sa sarili mo ang tiwalang iyon? Hindi maganda na pagdudahan mo ang sarili mo, at ang sarili mong kakayahan." Sabi nito at nilagay sa bulsa ko ang yin-yang square.
Hindi pa rin ako umimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang lahat ng mga sinabi niya, may katuturan pero bakit ko siya pakikinggan? Dahil... Iyon ang tama.
"Hinihintay ka ni Travis, inaasahan ka niya." Sabi ng babae at mabilis itong nawala, parang kidlat itong kumilos sa subrang bilis. Hindi ko siya kilala pero naramdaman ko ang sincerity sa mga sinabi niya.
Naiwan akong mag-isa sa malamig na silid. Napalingon ako sa bintana kung saan makikita ang pagbagsak ng nyebe.