YYU - Chapter 45: The Time is Running!

 



*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Bumagsak ako sa  lupa na nababalot ng nyebe kasama ang isang malaking ibon. Hindi ako nakaramdam ng matinding sakit sa katawan sa aking pagbagsak dahil hindi malakas ang impact dahil kontrolado ko ang gravity. Mabilis akong bumangon at hinarap ang ibon na sa mga sandaling ito ay nakabawi na rin mula sa pagkabagsak namin.



Nakita kong inunat ng puting ibon ang kanyang mga pakpak, balak nitong lumipad. Mabilis kong tinutok ang aking mga kamay sa kanya at ginamit ang aking kapangyarihan. Ginamit ko ang anti-gravity para lumutang ito sa ere at pagkatapos ay ginamit ko naman ang gravity force pull para ibagsak ito sa lupa. Malakas ang pagkabagsak ng malaking ibon, pero nakakagalaw pa rin ito.



Ginamit ko ulit ang gravity force pull para hindi siya makaalis sa kinaroroonan niya, at nakita ko ang paglubog ng kanyang mga paa sa lupa. Hinihigop siya pababa ng lupa dahil sa gravity. Ibabaon ko ang kalahati ng katawan niya sa lupa para hindi na ito makalipad.



Habang nakatutok ang mga kamay ko sa lupa ay unti-unting bumabaon naman ang ibon dito. Saktong nalibing ang kalahating katawan nito ng biglang dumating ang dalawa pang malalaking ibon na kasama nito. Mabilis akong dumapa sa lupang nababalot ng nyebe ng makita kong aatake ang dalawang magkasunod na ibon para dagitin ako. Hindi ako nadagit ng mga ito samantala ramdam ko ang subrang lamig sa aking mga palad dahil sa nagyeyelong lupa.



Mabilis akong tumakbo patungo sa mabatong tabi ng kastilyo kung saan pwede ako magtago para hindi ako madagit ng dalawang ibon. Habang tumatakbo ako ay parang may nararamdaman akong kakaiba sa aking mga palad. Merong mali... 



Nang makarating ako sa malalaking bato ay agad akong nagtago. Tinignan ko ang aking mga palad, namamanhid ang mga ito. Hindi makaramdam ang mga palad ko. Parang tinurukan ng anesthesia ang dalawa kong kamay. Sigurado akong ang nyebe sa lupa ang dahilan kong bakit namanhid ang mga kamay ko. Kaasar, hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko dahil hindi nakakaramdam ang mga kamay ko.



Pano ko matatalo ang mga ibon na to kung hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko? Mano-mano na lang? Suntukan? Pero kahit ikuyom ko ang aking mga kamay ay hindi ko magawa, parang naparalyze ang mga ito. Kaasar!



Narinig ko ang ingay ng pagaspas ng mga pakpak ng mga ibon malapit sa pinagkublian ko. Hinahanap nila ako. Hanggat hindi ako lumalabas dito ay hindi nila ako makikita. Pero hindi ako pwedeng magtago na lang dito dahil tumatakbo ang oras, ilang oras na lang at matatapos na ang match. Dapat ko silang labanan.



Wala na akong pagpipilian, lalabanan ko sila kahit sa anong paraan. Wala akong maisip  na ideya, bahala na. Tumayo ako at lumabas sa mga bato. Nakita ko ang dalawang ibon na paikot-ikot lang sa taas. Mabilis na lumipad palapit ang mga ito sa direksyon ko ng makita ako. Tumakbo ako...



Mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng ibon na nauna kong talunin, habang tumatakbo ako ay naramdaman kong parang unti-unti ng nawawala ang pamamanhid ng kamay ko nang biglang dinagit ako ng isang ibon.



Tinutok ko ang aking mga kamay sa lupa at ginamit ang gravity force pull, nagawa ko, nakakaramdam na ulit ang ga kamay ko. Naramdaman ko ang malakas na pwersa ng gravity na humila sa katawan ko kasama ang ibon na dumagit sakin. Padapa akong bumagsak sa lupa kasama ang ibon. Ramdam ko ang sakit sa aking tadyang dahil nakapatong sakin ang ibon, ang bigat nito. Mabilis akong gumapang at tumayo palayo sa ibon na nagsimula na ring gumalaw.



Napaangat ako ng ulo ng bigla kong makita ang isa pang malaking ibon na paikot-ikot sa itaas at binabantayan ang galaw ko. Tinutok ko ang mga kamay ko sa kanya at ginamit ang gravity force pull para ibagsak ito sa lupa. Nagawa ko, malakas ang pagkabagsak nito. Ang isang ibon naman na dumagit sakin ay lilipad sana pero mabilis kong ginamit dito ang anti-gravity, lumutang ito sa hangin. Ginamit ko ang gravity force pull dito at binagsak ko ito katabi ng isang ibon. Nahuli ko na ang dalawang ibon. Ngayon ang kelangan ko na lang gawin ay ibaon ang kalahating katawan nila sa lupa katulad sa ginawa ko sa naunang ibon.



Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nilibing ko ang kalahating katawan nila sa lupa. At para matapos na to, kelangan ko na lang silang wasakin na tatlo. Tinutok ko ang aking mga kamay sa malaking bato sa aking tabi at pinalutang sa hangin, pinagalaw ko ito patungo sa  malaking ibon na nauna kong nahuli. Nang nasa ibabaw na ito ng malaking ibon ay binagsak ko ito saktong-sakto sa kanyang ulo. Sumabog na parang usok ang ibon. Iyon din ang sunod na ginawa ko sa dalawa pang mga ibon. Sumabog at naglaho ang mga ito pero walang yang square ang lumabas.



Walang yang square at... Malapit ng magtapos ang oras... 




*** TRAVIS' POINT OF VIEW ***



Habang nakatayo ako sa tabi ng port gate ay napabaling ang paningin ko sa dalawang paparating na manlalaro. Sila ang dalawang kateammates ni Tristan, si Lilyu at Maru.



Tahimik lang ang mga ito habang naglalakad at hawak ang kanya-kanyang mga naactivate na yin-yang square. Tumigil silang dalawa sa paghakbang at mga tatlong metro ang layo mula sakin. Nakita kong binulsa nila ang kanilang mga hawak ng yin-yang square. Ang yin-yang square ko naman ay nakatago na rin sa bulsa ko.



Nakatitig sila sakin, palipat-lipat naman ang mga mata ko sa kanila. Nakita kong seryuso ang mga mukha nila at parang nagtataka. Marahil nag-iisip ang mga ito kung anong ginagawa ko dito at hindi pa ako pumapasok.



"Meron na bang nakapasok?" Tanong ng isa, sabi ni Shero ang pangalan nitong nagtanung ay Maru yung isa naman ay Lilyu.



"Wala pa." Sagot ko.



"Bakit hindi ka pa pumapasok? Sa tingin ko naman meron ka ng yin-yang square." Tanong ulit ni Maru.



"May hinihintay pa ko." Tugon ko. Nakatingin ako sa kanilang dalawa, at nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon nila. Naging blanko ang mukha ni Lilyu samantala nakita ko naman ang pagtaas ng isang kilay ni Maru.



Katahimikan...



Humakbang si Lilyu palapit sa direksyon ko, sa direksyon ng port gate at saka tahimik na pumasok. Naglakad naman si  Maru at huminto mismo sa harapan ko. Nagkatitigan kami. Anong plano nito at ayaw pang pumasok?



Hinawakan ako nito sa damit ng dalawa niyang kamay. Nagulat ako at bigla akong kinabahan. Seryuso ang mukha nito.



"Bakit? Anong..?" Naputol na tanong ko...




*** TONIQUE'S POINT OF VIEW ***



Nakalabas na ako ng port gate kasama sina Alexis at ang tatlong manlalaro na ginamitan ko ng heaven's heart. Kasalukuyan kaming nasa waiting area na katabi ng training room kung saan ito ang labasan at destinasyon kapag nakapasok na ng port gate sa match. Malapad ang silid na ito at kayang mag-akomoda ng mahigit 100 na tao. Merong mga mahahabang upuan at maliliit na kama sa tabi kung saan doon ginagamot ng mga nakastandby na mga school nurses ang mga injured na manlalaro. 



Anim na ang nariritong manlalaro sa waiting area na merong mga hawak na yin-yang square, tatlo na lang ang kulang at makukumpleto na ang night keeper's league of champions. Naunang pumasok si Lilyu, sunod ay si Travis,si Maru, si Keith, si Karrice, at ako. Binigay sakin ni Alexis ang yang square na nakuha niya sa heganteng octupos, kusa niya itong binigay sakin at nagpapasalamat ako dun. Ngayon ay hinihintay na lang namin ang tatlo pang manlalaro na kukumpleto sa aming anim na kampyon para maging representative ng yin-yang para sa quadrangular match. 



Nasan na kaya ang mga kateammate ko, sina Grandeline at Shero? Si Fildon at ang gusto ni Shero na si Tristan? Sino sa kanilang apat ang makakahabol at makakapasok sa port gate gayung wala ng oras... Ilang minuto na lang ang nalalabi at matatapos na ang match at kahit pa meron silang hawak na yin-yang square ay wala na itong silbi dahil kapag natapos ang oras ay sasarado ang portgate at palalabasin na sila sa virtual reality field. Kahit may hawak silang yin-yang square kung hindi sila makalabas sa port gate katulad sa pinagkasunduang tuntunin ay hindi sila mananalo.



Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang paglabas ng isang manlalaro sa pader ng waiting area...


Continue Chapter 46