YYU - Chapter 46: The 9th Champion
*** SHERO'S POINT OF VIEW ***
kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng kulay asul na port gate, sa ilang minuto kong paglalakad sa wakas ay narating ko rin ito. Inikot ko ang aking paningin sa paligid, hinahanap ko si Travis. Sabi ng babae na tumulong sakin ay hinihintay daw ako ni Travis pero wala naman ito. Baka siguro lumabas na siya.
Tinignan ko ang laser map na pinapakita ng hawak kong yin-yang square at binalingan ang port gate. Sa oras na humakbang ako sa port gate na yan kasama itong hawak kong yin-yang square ay magiging isa ako sa siyam na tatanghaling kampyon. Nagdadalawang isip ako. Sa tingin ko hindi ako deserving manalo.
Pano kaya kung pumasok ako sa port gate na yan at iwan na lang itong yin-yang square sa lugar na ito? Hindi mahalaga kung manalo o matalo ako sa match na ito. Kinuyom ko sa aking palad ang yin-yang square. Itinaas ko ang aking braso para itapon ito...
Nang biglang may puminta sa aking isipan... Mga alaala...
Si Kenver at ang kateammate nitong si Xenon, sinabi nila na sana manalo ako para makasama sa quadrangular match para makalaban sila. Ang suporta nina Lesha at Canzo, pati na yung mga dati kong kaklase nung grey class pa ako. Ang mga kateammate ko na sina Tonique at Grandeline na iisa lang ang hangarin, ang manalo ang team namin. Ang alyansang nabuo sa team namin at sa team nina Travis, Fildon at Alexis. At ang pagtulong sakin ni Tristan.
Kapag tinapon ko itong yin-yang square ay parang hindi lang ang sarili ko ang pinagkaitan ko ng pagkakataon bilang maging kampyon kundi pati na rin ang mga taong naniniwala at sumusuporta sakin. Naalala ko ang binitawan kong salita, sabi ko gagalingan ko at susubukan kong manalo sa match na ito para maging kampyon at para ipagmalaki ako ng mga former classmates ko sa grey class. Ngayong hawak ko na ang yin-yang square saka pa ba ako susuko? Ang kailangan ko na lang gawin ay humakbang sa port gate na ito dala ang yin-yang square na pinaghirapan kong makuha.
Binaba ko ang aking braso at lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa yin-yang square. Binalingan ko ang port gate at isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. Humakbang ako palapit sa port gate. Wala ng atrasan ito, magiging isa ako sa siyam na kampyon. At hinakbang ko ang aking mga paa papasok sa port gate.
Tumagos ako sa port gate at napunta sa isang malapad na silid, merong ng mga manlalarong naunang pumasok sakin. Agad ko namang nakita sina Travis, Alexis at Tonique na sabay na tumayo ng makita akong dumating. Nakangiti ang mga ito at bakas sa kanilang mukha ang saya at pagkasurpresa. Ngumiti ako sa kanila.
Mabilis na tumakbo si Alexis papunta sakin at sumunod naman sina Travis at Tonique dito.
"Congrats! Nagawa mo." Nakangiting bati ni Alexis sakin at niyakap ako.
"Salamat." Tugon ko naman.
Kumalas sakin si Alexis at yumakap din sakin sina Travis at Tonique, binati nila ako ng congratulations.
"Salamat, congratulations din sa inyo." Sabi ko.
"Sa kanilang dalawa lang." Sabi ni Alexis.
Napakunot ako ng noo, "Bakit?" Tanong ko.
"Wala akong yin-yang square." Sagot ni Alexis.
"Binigay niya sakin ang yang square na nakita niya." Ani Tonique.
Napabaling ako kay Tonique at tumango.
"Shero dumudugo ang sugat mo sa likod." Biglang sabi ni Travis na may pag-alala sa boses.
"Ok lang yan." Sabi ko.
"Hindi ok yan, dun tayo sa tabi para magamot ka ng mga nurse." Sabi ni Alexis at hinila ako sa kanang braso.
"Aray!!!" Bigkas ko. Napasinghap ako, ramdam ko ang kirot sa kanang braso kong nabali.
"Ay sorry..." Mabilis na paghingi ng paumahin ni Alexis.
"Ok lang." Sabi ko. At lumakad kami sa tabi at dun pumwesto sa isang maliit na kama. Umupo ako samantalang nakatayo lang ang tatlo sa harapan ko.
"Mukhang grabe ang pinagdaanan mong laban sa loob ah." Komento ni Tonique.
"Oo." Maikling sagot ko.
"Hindi ba healer ka? Hindi mo ba kayang gamutin ang sarili mo?" Tanong ni Travis.
"Hindi ko pa nasubukan, pero kapag nasa tubig dagat ako mabilis lang akong gumaling." Sabi ko at napatingin sa babaeng nurse na lumapit samin na merong dalang first aid kit. Hindi ko alam kung ano klase itong nurse pero natitiyak kong isa siyang hidden.
"Aling parte ng katawan mo ang masakit?" Tanong ng babaeng nurse.
"Yung likod ko lang at itong kanang braso ko." Sagot ko.
Tumango ang nurse at sinimulan akong patawan ng paunang lunas. Nakatingin lang sa akin ang tatlo, siguro kung anu-ano ang mga iniisip ng mga ito dahil sa nakikita nilang pinsala na natamo ko sa katawan.
Napabaling naman ang tingin ko sa isang babae na nakaitim na combat costume na nasa isang sulok ng silid malayo samin. Nakatingin ito sa direksyon namin. Siya yung babaeng tumulong sakin.
"Travis sino ang babaeng iyon?" Tanong ko.
Napalingon ang tatlo sa direksyon kong saan ako nakatitig.
"Si Karrice, isa siyang time stopper. Siya ang panglimang kampyon." Sagot ni Travis.
Binawi ko ang aking tingin at napalingon sa malaking orasan na nakasabit sa dingding sa gawing kaliwa ko, naroon sa direksyong iyon ang dalawang kateammtes ni Tristan na sina Lilyu at Maru. Ayun sa orasan ay 9:40pm na, twenty minutes na lang at matatapos na ang match. Nasan si Tristan pati na sina Grandeline at Fildon? Bakit wala pa sila? Dalawa na lang ang kelangan manlalaro at makukumpleto na ang siyam na tatanghaling kampyon.
Napalingon ako sa dingding kung saan ang labasan ng portgate at nakita ko ang pagpasok ng dalawang manlalaro. Napalingon rin sina Travis, Tonique at Alexis dito.
Sina Grandeline at Fildon...
Agad na lumapit samin ang mga ito at nagkabalitaan. Merong yin-yang square si Grandeline pero wala si Fildon.
"Ang lalaking iyon, siya ang kumuha ng yang square ko!" Naiinis na sabi ni Fildon habang nakatutok ang mga mata sa isang lalaking manlalaro na nakasuot ng kulay berdeng combat costume, nakaupo ito sa silya at nakatingin samin.
"Iyon si Keith, isa siyang drowser. Isa siyang passive user kagaya ko. Kung ako kaya kong paamuhin at pasundin sa utos ko ang mga tao gamit ang heaven's heart siya naman ay kaya niyang patulugin ang isang tao na walang kahirap-hirap." Sabi ni Tonique at nakatingin rin kay Keith.
"Iyon nga ang ginawa niya sakin, pinatulog niya ko at saka niya kinuha ang pinaghirapan kong yang square." Pigil inis na sabi ni Fildon.
"Ganun talaga Fildon, bumawi ka na lang sa susunod. Isa pa freshman ka pa lang naman. Meron ka pang tatlong taon para makasali ulit sa night keeper's match." Sabi ni Grandeline.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Fildon at napasimangot. "Nakakainis lang talaga." Sabi nito.
"Ayan tapos na, hindi naman masyadong malala ang tinamo mong sugat sa likod at bali sa braso. Mabilis lang gagaling yan." Agaw pansin ng nurse sa akin.
"Salamat." Sabi ko dito at saka ginamot naman nito si Grandeline sa kabilang kama. Sa tingin ko kelangan kong bumabad sa tubig dagat para masmapadali ang paggaling ko.
"Bakit parang nanggaling ka sa digmaan? Bakit ganyan ang itsura mo?" Biglang tanong ni Fildon, nakakunot ang noo nito.
Napangiti ako, "Halos kasi lahat ng halimaw kinalaban ko para lang makakuha ng yang square." Sabi ko.
Hinawakan ako sa ulo ni Fildon at ginulo nito ang buhok ko. Ngumiti ito. "Congrats!" Sabi nito.
"Salamat." Tugon ko naman.
"Si Tristan..." Narinig kong sabi ni Alexis.
Oo nga si Tristan, asan na ba yun? Mukhang hindi siya nakahanap ng yang square. Hindi pa kasi tinanggap ang yang square na binigay ko sa kanya kanina. Yan tuloy mukhang hindi sinuwerte na makahanap.
"Ang huling kampyon ay si Tristan..." Sabi ni Tonique. Nasa harapan ko silang apat at nakalingon sa likuran kung saan narun ang pader na labasan ng port gate.
"Kumpleto na ang league of champions." Sabi naman ni Travis.
Nakapasok ba si Tristan? Hindi ko kasi makita ang pader na lagusan ng port gate dahil nakatakip silang apat sa harapan ko.
"Hoy anong nangyayari diyan?" Tanong ko. "Sinong..?"
Tumabi silang apat at tumambad sakin mula sa malayo si Tristan na merong hawak na yin-yang square. Siya ang pang siyam na kampyon. Nakapinta sa mukha nito ang saya habang nakikipag-usap kina Lilyu at Maru.
Natigilan ako at parang nawala sa sarili ng lingunin niya ako. Dama ko ang kaba sa aking dibdib. Nagtama ang aming mga paningin. Bakit parang nasastar struck ako dito? Ang weird ng feeling ko. Napalunok ako ng makita ko siyang kumindat sakin.