YYU - Chapter 8: Summon Letter
Itatanong ko sana sa kanya kung ano ang balita sa nawawalang golden scale nang bigla namang bumukas ang pinto ng silid at pumasok sina Prop. Gonzaga at ang limang crimson, isang babae at apat na lalaki. Dumiretso sila sa harapan at ang buong silid ay nabalot nang katahimikan.
"Maupo ang lahat." Utos ni prop, mabilis nagsiupo ang mga kaklase ko. Tinapunan ako ng tingin ni prop. "Mr.Tan at Mr. Razon please stand up."
Stand up daw.. Bakit ako? Ano na naman to? Kinakabahan ako. >_<
Tumayo ako kasabay ni Tristan. "Mga night keepers." Rinig kong sabi ni Fildon.
"Good morning." Nakangiting bati ng babaeng crimson, nakatingin siya sakin at feeling ko nagpapacute. Lumapit siya sa amin ni Tristan. May inabot siyang puting sobre kay Tristan, tinanggap ito ng huli pagkatapos ay lumapit sakin ang babae. Sa tingin ko matankad lang ako sa kanya ng tatlong pulgada.
"Hello Shero!" bati ng babae sakin, abot tenga ang ngiti nito.
"Hi.." Nag-aalangang bati ko naman at tipid na ngumiti.
Dumikit saking tabi ang babae at sinukbit nito ang kamay sa kaliwang braso ko. Inabot nito sakin ang isa pang subre, tinanggap ko iyon at binasa ang nakasulat sa labas. 'Summon letter, from: the president of the student council.
What? Summon letter? Problema na naman. Sigurado akong tunkol ito sa nangyari kanina. Argggggg!!! Kailan ba ako tatantanan ng mga kamalasan? Kasalanan to ng Tristan Armando Razon!! Nakakainis.!!
Nilingon ko si Tristan, at tinitigan ng masama. Kung pwede ko lang siya tirisin ng parang langgam, gagawin ko. Kakaasar talaga siya!!
Nilingon ako ni Tristan. "May problema..." As usual, blanko ang ekspresyon nito.
Napakapresko talaga ng lalaking to, bilib na bilib sa sarili. "Walang problema, salamat dito!" Sabi ko at tinaas ang summon letter.
Tinaasan niya ako ng kilay, "Umayos ka nga. Para kang bata, summon letter lang yan. Matakot ka kung death threat letter yan." Sabi nito at tinalikuran ako. At walang sabi-sabi na lumabas ng silid.
Asar talaga!! Tristan ang sarap mong kalbuhin!!!
********
Pumasok kami ni Tristan sa loob ng office ng presidente ng student council. Ang office na iyon ay nasa building nang tinatawag naming Forbidden building na naroon sa pinakadulo ng university. Forbidden building ang tawag namin dito kasi exclusive lang ang building na ito sa mga members ng student council at mga night keepers. May kalakihan ito at hanggang third floor. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa building na ito.
Ngayon lang ako nakapasok sa building na ito, maganda ang interior design parang mansyon. Maituturing na mansyon ang loob ng building at hindi simpling quarters lang ng student council at mga night keepers. Kung sa bagay, ito ang lungga ng mga crimson, ano pa ba ang aasahan sa kanila. Nararapat lang na maganda ang lugar na ito.
At itong office ng presidente na si Phinilopy, ang ganda din. Tinalo pa ata ang office ni president Noynoy. Nakatayo kami ni Tristan sa harap ng table ni Phinilopy, ang babaeng nagbigay ng letter ay nakakapit pa rin sa braso ko na parang linta, nasalikod naman namin ang apat na night keepers. Nakaupo si Phinilopy sa malaking swivel chair, at nakatalikod samin.
"Lumabas na kayo at iwanan niyo na silang dalawa." Pagkaraan ay sabi ni Phinilopy pero hindi ito humarap samin. Mabilis na lumabas ang apat na lalaki. Nagpaiwan ang babae at nakakapit parin sakin.
Gumalaw ang swivel chair at umikot paharap samin. Nakayuko si Phinilopy at... Naglalaro sa ipad mini. What the f*ck?
"Sh***T!! Game over!!" Sabi nito, disappointed ang tuno. Nag-angat ito ang ulo at tinitigan kami. Nagsmirk ito at tinaas ng isang kilay. "Alexis, sabi ko labas kayo. Bakit kapa nandito?"
"Well, eneescort ko silang dalawa." Nakangiting sagot ng babae na Alexis pala ang pangalan.
"Get out now!!" Sigaw ni Phinilopy. Biglang akong napangiwi, ay ang wild. Magkatulad sila ni Tristan, magkadugo nga silang dalawa.
"Ok, relax, aalis na ko." Sabi ni Alexis, ni hindi man lang yata nakaramdam ng nginig kay Phinilopy. Parang walang epekto dito ang pagsigaw ng huli. Bumitaw sa braso ko si Alexis. "Goodbye Cute." Sabi nito sakin at lumabas ng office.
Tumayo si Phinilopy at lumapit kay Tristan, tahimik lang ako at naghihintay sa sunod na sasabihin at gagawin niya. She looks scary.
"Ano na naman ang ginawa mong kalukuhan, Wala ka talagang kadala-dala!!" Sabi ni Phinilopy at piningot nito sa tenga si Tristan.
"Aray ate, ang sakit ano ba?!" wika ni Tristan.
Ate? Magkapatid sila?
"Ahhhmmm... Excuse me, magkapatid kayo?" Curious na tanong ko. Napatigil si Phinilopy sa pagpengot sa tenga ni Tristan at nilingon ako. Napalingon din sakin si Tristan.
Ngumiti si Phinilopy sakin, "Yes, magkapatid kami." Tumango-tango ako. Hindi ko alam yun ah, wala man lang may nagsabi sakin na kapatid ng Tristan na to si Phinilopy. "So, ikaw si Shero ang lover ng brother ko?"
What? Ako lover ni Tristan? Napalunok ako ng laway. "Ayyyy.. Nagkakamali ho kayo. Hindi po kami lovers na dalawa. We're just friends." Sabi ko, bigla ko naman naisip, friends kami ni Tristan? Hindi kami friends yung totoo kinamumuhian ko siya.
"Yes, that's true hindi kami lovers. Shero is my slave. Right Shero?" Sabi ni Tristan, na nakangisi na parang anghel na may buntot ng demonyo. Gwapo sana kaso mayabang, arogante at dominante.
Ngumiwi ako ng wagas, "Slave? Ako slave mo? Tskk!" Sabi ko.
"Baka gusto mong sabihin ko...?" Nakangising banta ni Tristan. Asar talaga!! Blackmail na naman.
Pinandilatan ko ng mata si Tristan, "Ah oo, yeah.. Slave niya ko." Sabi ko kay phinilopy at pilit na ngumiti. Naku, pagnakataon talaga ako makakatikim sakin ang Tristan na ito.
"Well, okay whatever. Anyways, dahil sa kaguluhan na ginawa niyo kanina kailangan niyong panagutan iyon. School rule, no fighting inside the university. At dahil sa ginawa niyo kailangan niyong linisin ang school gym sa ayaw niyo o gusto. Copy?" ani Phinilopy at iniwanan kami sa loob ng kanyang office. Napanganga na lang ako at hindi makapaniwala sa consequence na pinataw sa amin. Walang ibang dapat sisihin kundi ang Tristan Armando na to!!
********
Pawis na pawis na ako sa kakamop ng basketball court habang si Tristan naman ay nakaupo sa stage at simpling nakikinig lang ng music sa kanyang ipod. Asar!! Hindi na talaga ako makapagtimpi sa lalaking ito. Halos mamatay-matay na ko sa paglilinis at siya naman nandun at hayahay ang buhay, yung totoo siya naman ang may kasalanan kung bakit kami nandito. Lumapit ako sa kanya sa stage at hila-hila ang pangmop. Nang makalapit na ko sa kanya ay binagsak ko ang mop sa harapan niya. Tinitigan niya ako, tagos hanggang buto ang titig niya sakin. Akala niya masashock niya pa ako sa mga tingin niyang yun. Oo, nakakatakot ang titig niya pero bahala na.
Lumapit ako sa kanya at hinablot ko sa kanyang kamay ang kanyang ipod.
Tumaas ang mga kilay niya, bumaba siya ng stage at hinarap ako. "Gusto mong mamatay? Ha?!" Mahinahong banta nito sakin.
"Pak you!! Tamad!." Tugon ko, nilalakasan ko na lang ang loob ko kahit na yung totoo ay subra akong kinakabahan.
Nilapit niya ang mukha niya sakin. "Baka nakalimutan mo na ang kasalanan mo? Gusto mong ipaalala ko sayo?" sabi nito.
Umiling ako ng malala, bakit ko nga ba nakalimutan yun? Na hindi ko siya pwedeng kalabanin dahil baka isumbong niya ako sa ginawa kong pagbreak ng time rule. Pagnagkataon makikick out ako sa Yin-Yang.
"Iyon naman pala eh, kaya huwag kang magreklamo. Intiendes?" Mahinang sabi nito. Tumango ako bilang tugon. "Mabuti at nagkakaintindihan tayo." Sabi niya at hinalikan ako ng smack sa lips.
"Ipagpatuloy mo na ang paglinis." Sabi nito at kinuha sa kamay ko ang kanyang ipod. Umalis ito, hindi ako lumingon sa kanya. Siguradong lalabas ito ng gym. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ng ilang minuto. Sa tingin ko nakalabas na ito ng gym ng mga sandaling ito.
Nakakainis talaga ang hambog na yun, arogante! Nakakapikon ka Tristan. Dahil sa inis ay sumigaw ako para mabawasan ang stress ko. "PAKSHET ka Tristan!!!!!" Malakas na sigaw ko.
Gumalaw ako at humarap sa malapad na basketball court at laking gulat ko, merong mga grey students na nakatayo sa likuran ko. Nakanganga pa ang mga ito at parang lutang yung iba. Nakasuot sila ng P.E uniform, kanina pa ba sila? Nakita ba nila ang ginawang paghalik sakin ni Tristan?
Asar!!! Siguradong hinalikan ako ni Tristan dahil nakita nitong may mga paparating na mga estudyante. Nakakapikon ka Tristan, maghintay ka makakaganti rin ako sayo!!!