YYU - Chapter 9: The Fight!
Saktong mag-aalasdose ng tanghali ng matapos kong e-mop ang basketball court ng school. Mabilis kong inayos ang sarili ko sa c.r. na subrang lagkit dahil sa pawis. Lumabas ako ng gym at natanaw ko ang malakas na ulan, hindi pa rin tumitila. Ramdam ko ang malamig na dampi ng hangin sa aking pesngi, napalanghap ako sa sariwang hangin.
Binuksan ko ang dala kong payong at hinakbang ko ang aking mga paa. Tinahak ko ang pathwalk patungo sa school main center ng matanaw ko ang limang crimson na familiar sakin ang mga mukha. Tama, sila ang mga crimson na nakita ko nung gabi na pumunta ako dito sa Yin-Yang. Mabilis akong nagtago sa likod ng malaking puno ng nara at palihim na pinanood sila.
Hindi ko alam pero biga akong kinabahan. Mukhang may kakaiba sa mga ito. Palihim ko silang sinundan, mabuti at walang ibang estudyante kaya walang nakakita sa ginagawa kong pagmanman sa limang crimson. Sinundan ko sila hanggang sa huminto ang mga ito sa harapan ng ruins, ito ay lumang two storey building na hindi natapos gawin, nasa likod ito pero malayo sa school gym.
Nakita kong binuksan ng batang lalaki na nakasalamin ang pinto, pumasok ito at sumunod ang apat. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Anong gagawin nilang lima dun sa loob? Hahakbang na sana ako ng biglang...
"Shero?"
Nagulat ako, mabilis akong lumingon sa aking likuran. "Fildon, bakit ka nandito?"
Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha, "Nakita kita kaya sinundan kita rito. Ikaw Bakit ka nandito?" Sabi niya.
Nag-alangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya yung tunkol sa limang crimson o hindi. Pero sige, sasabihin ko na lang. "May sinusundan ako, limang crimson. Pumasok silang lima sa loob ng ruins."
"Kilala mo ba sila?"
Umiing ako, "Hindi. Pero nakita ko na sila dati pa." Sabi ko at tumalikod. "May pakiramdam akong hindi maganda sa kanilang lima." Oo nung gabi na pumunta ako dito sa Yin-Yang tinulungan nila ako pero ngayon parang nakakaduda silang lima.
Nagtataka ako kung ano ang ginagawa nilang lima sa loob ng ruins. Dapat kong malaman kung ano ang ginagawa nila sa loob.
"Titignan ko kung anong ginagawa nila sa loob." Sabi ko.
"Sasamahan kita." Sabi ni Fildon at naglakad kami patungo sa ruins.
Malakas ang kabog ng dibdib ko, parang hirap ako sa aking paghinga. Nakalapit na kami sa pintuan ng ruins kung saan tumuloy ang limang crimson. Hinawakan ni Fildon ang knob at pinihit. Bumukas.
Humakbang sa loob si Fildon sumunod ako. Walang tao. Palingon-lingon ako sa paligid. Nagkacrack ang pader at sa tingin ko parang maguguho na ito ano mang sandali. May mga pinto, sampung pinto. Saan sa mga pinto sila naroon?
Humakbang ako at aksidente kung nasagi ang mesa na may mga carton at kahoy. Nalaglag ang mga ito at nagdulot ng ingay.
Nilingon ako ni Fildon at sumenyas."Psssshhhhhh... Dahan-dahan lang." Pabulong na sabi nito.
Tumango ako at sumunod sa kanya. Sa unang pinto, nilapit ni Fildon ang kanyang tenga at nakinig. Tinignan niya ko at umiling ibig sabihin walang tao. Sunod na pinto wala pa din. Sa pangtatlo, wala pa din. At sa pang-apat, sininyasan niya ako na lumapit sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit at dinikit ko ang aking tenga sa pinto.
May narinig akong mga boses sa loob. Hindi ako pwedeng magkamali sila yung limang crimson.
"Matagal pa ba yan?" boses ng lalake.
"Malapit na to kunting paghihintay na lang." Anang babae. "Hintay lang masyado kang atat.".
"Ilang araw na tayu dito, hanggang ngayon wala pa ring nangyayari." parang inip sa sabi ng lalake.
"Huwag kang mag-alala, hindi matatapos ang araw na to at mapapasatin na to ng tuluyan." anang babae.
Hindi ko alam kung tunkol saan ang kanilang pinag-uusapan pero may naririnig akong kakaibang tunog na nanggagaling sa loob. Lalo kung dinikit ang aking tenga na hindi ko namalayan na nakasandal na pala ako sa pinto at bigla na lang bumukas ito dahil sira ang siradura. Bumagsak ako sahig at pag-angat ko ng ulo nakita ko ang limang crimson na nakatingin sa direksyon ko.
Magkahalong gulat at inis ang nakita ko sa kanilang mga mukha. Mabilis akong tumayo at tumabi kay Fildon. Doon ko lang napansin na may hawak ang isang matankad na babae na baston na merong bato na kulay pula sa dulo, may kulay asul na liwanag ang nagmumula dun at nakatutok iyon sa pader na may nakaguhit na bilog at may pentagram sa loob.
Doon ko rin napansin ang golden scale na nakapatong sa lumang mesa sa tabi ng babae na may kulot na buhok.
"Ang golden scale!" Sabi ko. Kung ganun sila pala ang kumuha nito.
"Anong ginagawa niyo dito?" Galit na sabi ng matankad na lalaki.
"Mga hidden." Narinig kong sabi ni Fildon. Hidden? Ano ang ibig niyang sabihin?
Ngumiti ang batang lalaki, "Oo." At biglang may lumabas na apoy sa magkabila niyang mga kamay.
Ang batang lalaki may kapangyarihan, anong klase siya? Nakita kong ngumingiti silang lima. Parang plano kaming tustahin ng batang to. Lumingon ako kay Fildon at nakita kong seryuso ang mukha nito. At biglang may lumabas na mga kadena sa kanyang palad. Tatlong kadena sa bawat palad niya.
Mabilis ang mga pangyayari. Parang may sariling mga buhay ang mga kadena. Pumalupot ang mga kadena sa limang crimson, ginapos sila nito at yung isang kadina naman ay inabot ang golden scale.
Nakita kong nabitawan ng babae ang kanyang baston, at ang buhok nito biglang humaba patungo samin. hinampas kami nito, malakas. Tumilapon ako sa isang tabi. Ramdam kong masakit ang tagiliran ko dahil sa aking pagbagsak. Anong mga klase silang nilalang?
Umapoy ang buong katawan ng batang lalaki at mabilis na natunaw ang kadena. Gumawa siya ng bulang apoy sa kamay at mabilis na binato kay Fildon nakita kong bumagsak si Fildon at nawala ang mga kadena. Tuluyang nakatakas ang lima sa pagkakagapos.
Tumilapon ang golden scale, at nakita kong mabilis na kinuha iyon ng matankad na lalaki. Subrang bilis niya kumilos parang kidlat sa bilis.
Ang babae naman na may blond na buhok ay biglang gumalaw ang anino nito at ginapos si Fildon at inangat sa ere. Hindi ako makagalaw ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pano ko matutulungan si Fildon?
Napalingon ako sa aking gilid at napaangat ang paningin ko sa bintana. Umuulan pa rin. Ang tubig, minsan nagawa ko itong kontrolin pero isang beses lang iyon nangyari at hindi ko na muling nagawa pa. Sa oras na to, kelangan kong subukan para matulungan si Fildon.
Tinaas ko ang aking mga kamay na para bang may inaabot sa labas ng bintana. Nanginginig ang buo kong katawan. Umiinit ang aking pakiramdam. Kelangan kong magawang kontrolin ang tubig. Kaya ko to!!
Naramdaman kong parang may mabigat na pwersa sa aking kamay, "Ahhhhhhhh!!!!!!!" Napasigaw ako at pumasok ang parang alon ng tubig sa cristal na bintana. Sumubog ang bintana at nagkalat ang mga bubog sa sahig.
Parang gumaan ang pakiramdam ko, mabilis akong tumayo at tinaas ko ang aking dalawang kamay, gumalaw ang alon ng tubig at humampas sa limang crimson. Humandusay sila sa sahig kasama si Fildon dahil nawala ang kapangyarihang anino ng babae na gumapos dito.
"Ginagalit mo ko!" Sigaw ng batang lalaki, tumayo ito at ang basa nitong katawan ay muling nabalot ng apoy. "Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!!" Sigaw nito at gumawa ng malaking bola ng apoy sa kamay.
Nang bigla na lang isang kidlat ang tumama sa katawan nito, agad itong bumagsak sa sahig. Napatingin ako sa pinto, naroon nakatayo si Alexis at may kasamang anim na crimson. Tatlong babae at tatlong lalaki.
Halos hindi ako makapaniwala sa mabilis na mga pangyayari, kung ganun tama nga na hindi basta-basta at ordinaryo ang mga crimson class. Hindi ko inakalang may mga kapangyarihan ang iba sa kanila, at dalawa na dito sina Alexis at Fildon na isang sereno katulad ko. At ako? Anong meron ako bakit nagawa kong kontrolin ang tubig?